Saturday , April 20 2024

Yasser, na-miss ang pagmo-motor

SA Press Play video ni Kapuso PR Girl sa YouTube, sinagot ng  Bilangin Ang Bituin Sa Langit stars na sina Kyline Alcantara at Yasser Marta kung ano ang mga bagay na excited silang gawin at gustong puntahan after ng quarantine.

Paalala ng dalawa, dapat ay manatili pa ring maingat at bawasan ang paglabas para maiwasan ang Covid-19.

“Siguro ngayon work lang, and then paminsan-minsan na lang ‘yung labas with friends, hindi na katulad nang dati na consciously you can just go out. We all need to be more careful. Tulad ngayon, hindi dahil GCQ na ay lalabas na tayong lahat,” saad ni Kyline.

Para naman kay Yasser, pagmo-motor ang na-miss niyang gawin, “For me naman, kahit hindi GCQ or ECQ, parang ito na rin ‘yung normal para sa akin. Sa bahay lang din ako madalas, mahilig lang ako mag- Playstation, tapos ‘yung labas ko para sa gym lang. Pero dahil mahilig ako mag-motor, nami-miss ko ‘yung madalas ako nagpupunta sa malalayong lugar kasi mahilig ako sa nature.”

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *