Sunday , May 19 2024
fire sunog bombero

P115-M inabo sa nasunog na 3 bodega sa Malabon

TINATAYANG nasa P15 milyon halaga ng structural properties at P100 milyong halaga ng mga produkto ang tinupok ng apoy sa nasunog na tatlong bodega sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon, dakong 1:45 am nang sumiklab ang apoy sa isang  bodega ng musical instrument sa kahabaan ng Guava Road, Barangay Potrero, at mabilis na kumalat sa dalawa pang katabing bodega ng surplus appliances, imbakan ng sabon at iba pang cosmetic products.

 

Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, kaagad inakyat ang sunog sa ikaapat na alarma dakong 2:34 am. Naideklarang under control ang sunog dakong 5:00 am.

 

Walang iniulat na namatay o nasaktan sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *