Monday , December 6 2021

Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan, di pabor sa class opening sa August

GRADUATE na ng high school ang Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan at may bonus pang regalo sa parents niyang sina Sir Boyet at Mam Dencie Zaplan ang talented nilang bunso dahil nagtapos si Janah sa OB Montessori, Sta. Ana bilang 3rd Honor. Ito’y ginawa niya kahit aktibo siya sa pagiging varsity player sa volleyball ng kanilang school at sa pagiging recording artist.

Nabanggit nga si Janah na napa-iyak siya nang nalamang kasali siya sa Top-10 ng kanilang graduating class.

“Siyempre I was really happy po, I even cried knowing the news about it because who would expect such thing, especially having a lot of things at hand. Kaya I felt thankful and blessed po talaga,” sambit ni Janah.

Incidentally, congrats kay Janah dahil katatapos lang niyang mag-entrance exam at proud na inanunsiyo sa FB ng kanyang dad na pasado sa Airlink ang dalagita para mag-aral ng BS Major in Flying.

Bakit niya gustong maging piloto at lumipad? Tugon ni Janah, “It has been my dream when we started travelling in different places po eh, because exploring and discovering different places, culture and people, as well as sharing these experiences to many people bring happiness to me.”

Nanghihinayang ba siya na wala silang graduation dahil sa Covid19? “Oo naman po. Siyempre it’s a stepping-stone for us as students, eh. Kumbaga, we somehow feel accomplished by having that ceremony, pero if it’s for the greater good and safety of everyone… wala na naman pong magagawa roon. Although, may possibility po according to our school, pero waiting for further notice.”

Ano ang reaction niya na gusto ng Deped mag-start ang klase by August? “Well, blended learning may not waste an academic year, but it’s not favorable for everyone, knowing that most of the people have limited resources needed for such education. Having said that, I’m not for it. Not everyone has access to it and not everyone has a good environment where they can really learn.

“Nag-aalala po ako, kasi up to know the cases are rising. We don’t even know if the numbers given out by the government is true,” esplika pa niya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Eric Santos Angeline Quinto

Angeline Quinto buntis nga ba?

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI kaagad nakasagot si Eric Santos nang tanungin siya ni Nay Cristy Fermin kung buntis …

Beatrice Luigi Gomez Rabiya Mateo Catriona Gray Janine Tugonon Miriam Quiambao

MUP winners may sumpa nga ba sa lovelife?

KITANG KITA KOni Danny Vibas HINDI naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” ang …

Leave a Reply