Thursday , April 25 2024

Type n’yo ba ang mini face mask?

HABANG isinasaayos ng mga negosyante ang kanilang ‘work practices’ sa Thailand matapos alisin ang lockdown sa bansa, isang beauty clinic sa Bangkok ang nagdisenyo ng mini face mask para sa kanilang mga kliyente na sumasailalim sa mga close at personal cosmetic treatment habang hindi pa nalulutas ang problema sa corona­virus pandemic.

Ang ideya sa masasabing kakaibang uri ng face mask, na gumagamit ng mas makitid na protective strip para ma-expose ang ilang bahagi ng mukha, ay para makapagsagawa ang mga doktor ng mga procedure habang nalilimatahan ang ‘contact’ sa ilong at bibig ng kanilang pasyente.

“Sa una, marami ang nagsabing ‘weird’ ang face mask ngunit sa katoto­hanan ay malaki ang maitutulong nito dahil ‘specifically designed’ ang mascara para maging ligtas ang nagpa-facial treatments,” wika ni Kannika Sae-Ngow, isang kostumer sa Waleerat Clinic na nagpa-laser nang makapanayam ng media.

Sa ngayon ay hindi pa nagbebenta ng personal nilang face mask ang pamosong klinika ngunit mayroon daw silang 100 maskara na inihanda at puwedeng i-disinfect ang mga ito at labhan para magamit muli.

“We also plan to design other versions of these masks that can cover part of a nose so that doctors can treat the nose without having to take the masks off,” punto ni Wisarut Krimthungthong, chief marketing officer ng Waleerat Clinic.

Nagsasagawa din ng pag-iingat ang klinika sa pamamagitan ng pag­babawas ng bilang ng kanilang mga kliyente sa 15 katao mula sa dating mahigit 100 kada araw. Bukod ito sa temperature screening pa at ibang mga health check mula sa kanilang staff.

Gumagamit din ang kanilang staff ng plastic shield habang tumu­tulong sa mga treatment at ilang ad­ministrative operation.

“It has reduced the amount of time customers have to spend here to roughly less than an hour,” ayon sa nagtatag ng klinika na si Waleerat  Thawee­banchongsin.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *