Wednesday , December 1 2021

Zara Lopez, thankful sa paghataw ng business na Sweet Reece’s spread

MASAYA ang sexy actress na si Zara Lopez dahil humahataw nang husto ang business niyang Sweet Reece’s na mayroong peanut butter, no sugar peanut butter at yema spread.

 

“Honestly akala ko ngayong lockdown hihina ‘yung negosyo ko kasi ayaw lumabas ng tao. Pero nagkamali ako ng akala, mas na-surprise po ako kasi sobrang lumakas kami ngayong may quarantine at ang daming naging interesado na maging distributors and resellers. Kaya araw-araw po akong nagpapasalamat kay Lord, kasi ang tagal kong hinintay na magkaroon ako ng negosyo na magiging successful. Ang dami ko pong pinagdaanan na pagsubok, naubos din ang savings ko, umabot din po ako sa point na nangungutang ako rati at naibenta ko lahat ng designers bag ko para lang maka-survive sa buhay, lalo na’t bread winner ako at single mom ever since. Pero ‘di ako sumusuko sa laban ng buhay. Etong negosyo, sinamahan ko po ng dasal iyan. Kasi ang dami na pong negosyo sa totoo lang, pero sobrang suwerte ko po na ako ang nauna sa showbiz na nagkaroon ng spreads na negosyo,” mahabang pahayag ni Zara.

 

Ayon pa sa seksing ex-Viva Hot Babe, kahit may COVID-19 ay may fall back siya. “Honestly Tito kung wala akong negosyo, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Like pambayad ng bills, monthly sa car, food, everyday for my family. Malamang stress na stress na ako ngayon kasi ‘di ko alam kung saan kukuha ng pera. Lalo na ilang buwan na po akong walang trabaho simula January. Affected din po kaming artista, pero since nakapagtayo ako ng negosyo na Sweet Reece’s, masaya po ako kahit walang income sa showbiz. At least, mayroon po akong income sa negosyo ko. Hindi po kasi puwedeng showbiz lang ang aasahan mong income, paano pag wala ka na sa showbiz, saan ka pupulutin? Iba po ang may sariling negosyo.”

 

Dagdag ni Zara, “Sobrang proud po and thankful sa lahat ng distributors and resellers ko, napansin ko po simula nang nagkaroon ng pandemic, mas marami po ang nakaisip na magnegosyo at magkaroon ng extra income. Iyong distributors and resellers po namin, halos dumoble or triple ‘yung bilang. Happy din po ako na nakapag-create ako ng all natural, no preservatives products at siyempre, masarap po na babalik-balikan ng mga customer namin. Karamihan naman po ng feedback sa spreads puro positive po, kaya nagpapasalamat ako kay Lord na after ng lahat ng pinagdaanan ko na hirap sa buhay, dininig Niya po lahat ng panalangin ko para sa pamilya ko. Ayaw ko na pong bumalik sa hirap, kaya lumalaban po ako lagi sa buhay para sa pamilya ko at para sa sarili ko. ‘Pag successful ka, napansin ko they will respect you more. Advice ko po sa lahat, do your best, magnegosyo, iba ang may sariling negosyo, hindi ka kakabahan sa buhay. Sa mga gusto pong mag-reseller and distributor, they can visit po our FB page, just search Sweet Reece’s.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply