Thursday , December 9 2021

Payo ni Mayor Isko: Covid-19 contact tracing app gamitin ng estudyante

HINIMOK ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga estudyante sa Maynila na gumamit ng “Stay Safe” COVID-19 contact tracing mobile app.

Sa ginanap na virtual conference sa pagitan ng  University and College presidents, sinabi ni Mayor Isko, ito ay para masubaybayan ng mga estudyante ang mga lugar kung saan may naninirahang COVID-19 positive para makaiwas na pumunta roon.

“Ask your students, your staff, this is a very powerful app herein. Through registration you will be informed real time where there is positive COVID19, probable, or suspected within your vicinity a few meter, 10 meters, 300 meters, 500 meters, 1 kilometer, and so on and so on,” ayon kay Moreno.

Ayon sa tala ng Manila Health Department (MHD) lumalabas na mas marami sa kompirmadong dinapuan ng COVID-19 ay mula edad 18-39 anyos.

Nabatid, sa 1,443 COVID-19 positive cases, 563 ang nasa edad 18-39 anyos.

“Because of this application, the people will track the presence of COVID-19 lalo na ngayong general community quarantine (GCQ) and lalo na kung mag- modified general community quarantine (MGCQ) na tayo,” dagdag ni Isko.

Maaari umanong ma-access ang Stay Safe via https://manila.staysafe.ph/.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Patuloy na pagpapalakas ng immune system panlaban sa CoVid-19

Dear Sis Fely Guy Ong, Magandang araw po sa inyo. Heto na naman ang banta …

Maja Salvador Rhea Tan Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters

Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, perfect kay Maja Salvador

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KITANG-KITA ang pagiging magka-vibes nina Maja Salvador at lady boss …

Rida Robes Disney Savano Park CSJDM San Jose Del Monte Bulacan

Paskong masaya sa CSJDM, Bulacan

SA PAGNANAIS mabigyang kasiyahan ang mga residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan, inilunsad …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja nakatagpo ng proteksiyon at pampalakas ng resistensiya

MATABILni John Fontanilla DOUBLE Celebration ang naganap noong Nov. 25, 2021 dahil bukod sa kaarawan ng CEO/President ng …

Krystall Herbal Oil

Talsik ng mantika sa mukha hindi naglintos dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po …

Leave a Reply