Thursday , December 2 2021

Heart Evangelista, deadma sa bashers!

HINDI apektado si Heart Evangelista sa mga taong bumabatikos sa kanyang lifestyle ngayong quarantine period.

Ang latest na pinagtrip-an ng mga bashers ay ang pagkain niya ng pancit canton while outfitted in a fabulous designer outfit.

The picture was taken at the sala of their abode.

She captioned it in all amusement, “Sometimes I workout, and sometimes I do this…”

Sa comments section, kinuwestiyon ng dalawang netizens ang pagiging magarbo at banidosa ni Heart kahit nasa loob lang ng bahay.

According to one basher, way raw ‘yun ni Heart para pagtakpan ang umano’y kawalan niya ng talent at personality.

“The beautiful clothes make up for the talent, and personality.

“I just wonder, is she interesting without these expensive pieces

“I bet she knows that already that’s why she dresses like that even in quarantine.”

Heart answered feistily.

“Lol glad you feel good about yourself now.”

Ang isa namang kritiko ay tinawag siyang overacting.

“Sobrang OA,” banat nito, “mo nasa bahay ka lang ganyan itsura mo.”

Nevertheless, Heart has always open to admission that she was/is “maarte.”

She doesn’t find anything wrong with it as long as, wala naman daw siyang natatapakang ibang tao.

Anyhow, likas na raw kay Heart ang pagsusuot ng designer outfits while doing ordinary household chores.

Lalo pa niyang ikinatuwa nang mag-viral ang kunwari’y pamimili niya sa grocery outfitted in a fabulous designer outfit last December 2018.

Ikinaaliw ‘yun ng netizens, to the point na gumawa sila ng spoof nito.

Ipinaliwanag naman ng Kapuso actress na ginamit raw niya para sa isang event that day ang suot niyang designer outfit.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply