Thursday , June 4 2026
shabu drug arrest

Mobile food delivery rider timbog sa droga

HINDI akalain ng delivery rider na mabubuko ang mas malaking raket niya nang mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer,  nitongMartes ng gabi sa Pasay City.

Agad pinosasan ng mga operatiba ng Pasay Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si Noli Cesar Lagrata, 28, delivery rider ng isang mobile food delivery ng 160 Twin Pioneer, Don Carlos Revilla St., Bgy. 148 Zone 16, nang tanggapin ang P500 markadong salapi sa isang undercover cop, 11:00 pm sa harap ng kanyang tirahan.

Sinabi ni P/Capt. Deni Mari Pedrozo, hepe ng SDEU, nakompiska nila mula kay Lagrata ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 14.41 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P91,188, isang plastic sachet na naglalaman ng hindi nabatid na dami ng pinatuyong dahon ng marijuana at ang markadong salapi na ginamit ng kanyang tauhan sa pagbili ng shabu.

Nakapiit sa Pasay police detention cell si Lagrata na nakatakdang dalhin sa piskalya ng Pasay upang isailalim sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa Section 5 (Selling) at Section 11 (Possession) ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …