Wednesday , October 9 2024

‘Iskwater’ sa ‘Manotok Subdivision’ iniligwak sa ayudang SAP ng DSWD

INILIGWAK sa Social Amelioration Program (SAP) ang mga residente sa dating Manotok Subdivision sa Tondo, Maynila na ngayon ay nasasakop ng Barangay 184 Zone 16, Tondo, Maynila.

Ang Barangay 184 Zone 16, Tondo, Manila, ay area of responsibility (AOR) ni Barangay Chairperson Delia Rodriquez.

Umalma ang mga residenteng naninirahan sa nasabing  lugar dahil hindi man lang sila pinaliwanagan ng kanilang barangay tungkol sa SAP, ang ayudang ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil hindi sila nakatanggap nito.

Nang uriratin nila kung bakit hindi sila binigyan ng SAP o ayuda ng DSWD, sinabing ‘rejected’ daw ang kanilang lugar dahil ikinokonsidera umano silang middle class barangay.

Ano kaya ang basehan kung bakit ikinokonsidera silang middle class barangay?! Mga sosyalin kaya silang pumorma? Mukha ba silang ‘rich’ dahil nagtatrabaho sila at signature shoes and bags ang gamit nila? May car o motorcycle ba sila?

Hindi ba sapat na ang lugar ay ‘squatter area’ at kung ang nakatira roon ay middle class families magtitiis ba silang tumira roon sa mahabang panahon?

Pero ang higit na kuwestiyonable rito, mula sa simula ng proseso ay hindi sila binigyan ng pagkakataon dahil hindi man lang sila hinayaang makapag-fill-up ng Social Amelioration Card (SAC) form.

Para sa kabatiran ng DSWD, sinasabi ng mga residente sa nasabing lugar na sila ay ‘isang kahig, isang tuka.’ Ibig sabihin kung hindi sila kakahig sa loob ng isang araw, wala rin silang tutukain sa susunod na araw.

At dahil mahigit isang buwan na ang enhanced community quarantine (ECQ) marami sa kanila ang nawalan talaga ng kabuhayan o pagkakakitaan.

Kung wala silang hanapbuhay, ano ang kakainin nila?! Ganyan ba ang sinasabing middle class family?!

Arayku!

Kaya naman nang mabalitaan nila na magbibigay ng ayuda ang gobyerno sa pamamagitan ng SAP ng DSWD,  laking tuwa ng magkakapitbahay na umasang magkakaroon sila ng ayuda o pera.

Pero nauwi sa kalungkutan ang kanilang pag-asang makakuha ng P5,000 o P8,000. Bigong-bigo sila dahil walang dumating na tulong ang DSWD.

Ano nga’ng hihintayn nila mula sa DSWD, e hindi nga sila pinapirma sa SAC form.

Ang alam natin pantay-pantay ang dapat ipakita sa mahihirap na naghihikahos sa kanilang buhay lalo’t hindi biro ang pandemyang coronavirus o

COVID-19 na nanalanta sa buong mundo ngayon.

Ano kaya ang dapat gawin dito ng DSWD?

Sinabi ng mga residente na gusto nilang kausapin si Chairman para alamin kung bakit hindi sila tinulungan ng DSWD para bigyan ng ayuda, pero wala umano siya sa barangay noong pumunta ang mga taga-iskuwater area.

Sina alyas Upeng at alays Lyza umano ang nasa barangay kaya sila ang natanong kung bakit hindi sila kasama sa ayuda ng DSWD.

Ang sagot umano ng dalawa: rejected sila porke ikinokonsidera silang ‘middle class’ ng kanilang barangay.

Paging DSWD Secretary Roando Joselito Bautista, pakiimbestigahan lang po kung bakit may ganitong insidente sa Barangay 184 Zone 16, Tondo, Maynila.

Hihintayin po namin ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *