Thursday , June 4 2026

Fanny Serrano, naaalibadbaran sa netizens na ibinubuyangyang ang katawan sa TikTok  

SANDAMAKMAK ang mga lalaking Pinoy sa ngayon ang sumasayaw nang maharot at malandi at mapang-akit ang mga ngiti.

Hindi rin nagpapakabog ang mga dalagang Filipina raw na nagbubuyangyang sa Instagram o Twitter.

Desmayado rito ang celebrity hair and makeup artist na si Fanny Serrano.

Hindi raw talaga niya ma-getz ang motibo ng mga netizens na halos nakalabas na ang mga suso at sobrang magpakita ng kanilang cleavage.

Ang mga lalaki nama’y naka-swimming trunk/underwear na ibinubuyangyang ang kanilang kabukolan.

Ang problema, wala na raw ipinagkaiba ang pagbuyangyang ng mga lalaki at babae sa pagbebenta umano ng kanilang sarili.

Sang-ayon kay Fanny, you are what you post!

Sa totoo lang, ang dami na raw tinatanggal na posts ang TikTok.

Kaya? Ang latest nga, they have gone bolder, the males in particular, at buong ningning na ipinakikita na hindi lang ang kanilang bukol kundi mismong ‘yung ari na nila habang sumasayaw nang buong ningning.

‘Yun nah!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …