Thursday , May 26 2022

PCSO nagbigay ng P38.8 Milyon tulong medikal

Mandaluyong City. Sa kabila ng bantang panganib ng COVID-19, ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay patuloy na nakapaghatid ng ₱38,855,070 halaga ng tulong medikal sa 4,468 Pilipino sa buong bansa sa loob ng isang lingo.  Ito ay sa pamamagitan ng MEDICAL ACCESS PROGRAM (MAP) ng ahensya.

Simula Abril 20-24, 2020, ₱4,400,600 ang naibigay na tulong ng  National Capital Region (NCR) sa 340 na pasyente, ₱9,072,617.77 naman sa  Southern Tagalog and Bicol Region (STBR) na may 1,101 na natulungan pasyente, ₱12,144,575.00 sa Northern and Central Luzon (NCL) na may 1,432 na natulungang indibidwal, ₱8,141,439.89 naman sa Visayas Region na mayroong 858 na nangangailangang Pilipino at ₱5,095838 naman sa Mindanao Region na 737 cases ang natulungan. Sa pangkalahatan, umabot sa 4,468 cases nationwide ang bilang ng pasyenteng natulungan ng PCSO.

Nakapaloob sa nasabing programa ay ang pagbibigay ng ayuda sa mga kwalipikadong Pilipino na nangangailangan ng tulong medika para sa hospital confinement, dialysis, chemotherapy, at post-transplant medicines.

“Magpapatuloy ang PCSO sa paghahatid ng tulong medikaL, upang  maibsan ang epekto ng COVID-19 sa Pilipino at upang makapagbigay ayuda sa ating gobyerno sa pagsugpo sa nasabing virus sa sa pamamagitan ng pagpaptupad ng aming mandato na magbigay ng tulong medical at kawanggawa,” ayon kay GM Royina M. Garma

About hataw tabloid

Check Also

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …

Krystall herbal products

Lunas sa frozen shoulder

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ano po ang …

Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm Home

Marian budol ng buhay ko; Pinayaman pa niya ako — Rhea Anicoche Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA apat na taong pagiging endorser ni Marian Rivera-Dantes ng Beautederm Home lumalim na …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Beautéderm Home at Marian Rivera-Dantes, solid na solid pa rin!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ENGRANDENG pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Leave a Reply