Thursday , May 26 2022

Operasyon ng Dito sa Ph delikadong sumemplang (Operasyon ng China Telecom hinaharang ng US agencies)

NANGANGANIB na muling maantala ang rollout ng Dito Telecommunity Corporation sa bansa kasunod ng pagharang ng ilang US departments sa operasyon ng China Telecom (Americas) Corp., sa Amerika.

Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, sa pangyayaring ito ay kailangang busisiing mabuti ng pamahalaan ang third telco player at mangangailangan din ito ng congressional investigation dahil ang pagpasok, aniya, ng China sa telecommunication sector ay isang banta sa soberanya ng Filipinas at sa pambansang seguridad.

“This development in the US will delay Dito telecom’s rollout because it should now be subject to tighter scrutiny from government and requires a congressional investigation.  Because of its expansionism in the WPS, the  Chinese government is not a friend. We continue to assert that allowing China entry into our telecommunication sector is a threat to philippine sovereignty and national security,” giit ni Colmenares.

Ang Dito Telecommunity Corporation, dating Mindanao Islamic Telephone Company, Inc., o Mislatel, ay isang consortium ng Udenna Corporation ni Davao businessman Dennis Uy at ng subsidiary nito na Chelsea Logistics Corporation, at ng Chinese state-owned China Telecommunications Corporation, parent company ng China Telecom.

Mahihirapan umanong mag-operate ang Dito sa bansa sa sandaling i-ban ang China Telecom sa US dahil magkakaroon ng problema sa interconnectivity sa cyber space.

May tatlong beses nang naurong ang rollout ng Dito Telecom sa bansa na unang target na mailunsad noong huling bahagi ng 2019, ikalawa ay sa Hulyo 2020 ngunit sa ngayon ang bagong target ay sa Marso 2021 na.

Magugunitang hinimok ng ilang US departments ang Federal Communications Commission (FCC) na bawiin ang kapangyarihan ng China Telecom (Americas) Corp na magkaloob ng international telecommunications services mula sa Estados Unidos.

“This recommendation reflects the substantial and unacceptable national security and law enforcement risks associated with China Telecom’s continued access to US telecommunications infrastructure,” pahayag ng grupo ng departments, kabilang ang State, Justice, Defence, Homeland Security and Commerce, gayondin ang United States Trade Representative, sa filing sa FCC kamakailan.

Ang panawagan ay sa gitna ng patuloy  na pagbusisi ng FCC sa China Telecom, isang imbestigasyon na sinimulan noong nakaraang taon.

Tangan ng US subsidiary ng Chinese state-owned telecommunications company ang lisensiya na magkaloob ng serbisyo sa US magmula noong 2007.

Noong nakaraang Mayo ay nagkaisang bomoto ang  FCC na ibasura ang kahilingan ng isa pang state-owned Chinese telecommunications company, ang China Mobile, na magkaloob ng serbisyo sa US.

Ayon kay FCC Chairman Ajit Pai, matapos ang pagboto ay natukoy ng komisyon na ang China Mobile ay kontrolado ng Chinese government.

Sa isang statement, binanggit ang mga panganib na maaaring gamitin ng Chinese government ang pag-aproba ng FCC para magsagawa ng espionage o paniniktik laban sa US government.

Ang telecommunications companies ng China ay masusing binubusisi ng US.

Noong nakaraang taon ay hinimok ng mga mambabatas ang FCC na repasohin ang China Telecom at ang iba pang Chinese telecommunications company, ang China Unicom.

Noong nakaraang taon ay inilagay ng Trump administration ang Huawei Technologies – ang Chinese telecoms company na global leader sa next-generation 5G technology – sa isang ‘entity list’ at binawalang bumili ng critical components mula sa kanilang American suppliers.

Hinikayat ng US ang iba pang gobyerno sa buong mundo na huwag isama ang Huawei sa pag-develop ng kanilang  5G infrastructure dahil sa national security risks.

Sa filing kamakailan, iginiit ng departments na ang Chinese government ay may “ultimate ownership and control” sa China Telecom at sa US operations ng kompanya.

“Such ownership might allow Chinese government entities to engage in malicious cyber activity enabling economic espionage and disruption and misrouting of US communications and provide opportunities for increased Chinese government-sponsored economic espionage,” nakasaad sa  filing.

Binigyang-diin ng departments sa kanilang filing na ang China Telecom ay nakagawa ng ‘inaccurate statements’ hinggil sa kung saan nakatago ang kanilang US records, gayondin sa US customers tungkol sa  cyber security at privacy practices na maaaring hindi nakasusunod sa US law.

About hataw tabloid

Check Also

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …

Krystall herbal products

Lunas sa frozen shoulder

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ano po ang …

Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm Home

Marian budol ng buhay ko; Pinayaman pa niya ako — Rhea Anicoche Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA apat na taong pagiging endorser ni Marian Rivera-Dantes ng Beautederm Home lumalim na …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Beautéderm Home at Marian Rivera-Dantes, solid na solid pa rin!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ENGRANDENG pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Leave a Reply