Thursday , June 4 2026
IPINASARA ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Barangay 20 Zone 2 sa Parola, Tondo dahil sa malalang paglabag ng mga residente sa itinatakdang regulasyon sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Magugunitang nag-viral sa social media ang boksing at bingo habang nasa ECQ ang buong Luzon at iba pang probinsiya sa bansa. (BONG SON)

24-oras total lockdown sa Parola iniutos ni Mayor Isko

GALIT na inutos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagpapatupad ng 24-oras total lockdown sa Parola Compound, Barangay 20, Zone 2 District 1, Tondo, Maynila matapos ang ulat na paglabag ng mga residente sa enhanced community quarantine. (ECQ)

Ipinatupad ang total lockdown sa Parola Compound simula kahapon 8:00 pm, hanggang ngayong Miyerkoles, 15 Abril, alinsunod sa nilagdaang Executive Order ni Moreno noong Lunes ng gabi.

Nakarating sa kaalaman ni Mayor Isko na may nagpaboksing at nagpa-bingo sa mga residente sa nasabing barangay na nasasakop ng Parola Compound.

Bukod sa kautusan ni Isko na magsagawa ng disease surveillance, isusunod din ang testing at rapid risk assessment operations sa nasabing barangay.

“A video was posted on Facebook showing a group of more or less one hundred people, including children, participating and spectating in what appears to be an informally organized boxing match by the side of the street,” nakasaad sa EO ng alkalde.

“The video shows blatant violations of the enhanced community quarantine guidelines and social distancing protocols thereby creating immense risk of exposure and contraction of COVID-19 to those involved in the event,” dagdag ni Isko.

Sa panahon ng lockdown, ang lahat ng residente ay dapat manatili sa loob ng bahay at hindi maaaring lumabas sa kalsada.

Maliban sa healthcare workers, pulis, military, coast guard at iba pang government offices na kasama sa  emergency frontline services ay exempted sa orders.

Lahat rin ng commercial, industrial, retail, institutional at iba pang aktibidad sa barangay ay suspendido sa panahon ng lockdown.

Inatasan ni Mayor Isko, ang Manila Police District -Police Station 2 na magtalaga ng mga tauhan sa mga strategic locations sa panahon ng lockdown.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …