Friday , January 21 2022
TUMANGGAP ang 22 kooperatiba ngayong taon ng Villar SIPAG Awards on Poverty Reduction dahil sa naging tungkulin nila upang pagandahin ang buhay ng kanilang mga miyembro. Isinagawa ang nasabing parangal sa The Tent at Vista Global South sa C5 Extension Road, Las Piñas ngayong araw sa pangunguna nina dating Senate President Manny Villar, Senador Cynthia Villar, DPWH Secretary Mark Villar, Las Piñas Lone District Camille Villar, at DOJ Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar. Nasa larawan sina (L-R bakatayo) Luntian Multipurpose Cooperative (Tiaong Quezon), Dennis Tumbaga; People’s Microfinance Corporation (Tumaga, Zamboanga City), Mary Aldita Jabaga; King Multi-Purpose Cooperative (Davao City), Junrey Labatos; Abuyog Saint Francis Xavier Credit Cooperative (AFCCO) Abuyog, Leyte, Fr. Anreco Estrella; Entrepreneurs Alumni Development Cooperative (EADCOOP) Daraga, Albay, Nolan Belaro; Mantibungao Agrarian Beneficiaries Farmers Cooperative (MABFC) (Manolo Fortich, Bukidnon), Bertilyn Opsioma; Shoreline Kabalikat sa Kaunlaran, Inc. (SKKI) NAIA, Cavite, Remedios Baclean; Saint Joseph Multi-Purpose Cooperative Belance (Dupax Del Norte, Nueva Viscaya). (NIÑO ACLAN)

22 kooperatiba kinilala sa angat na kabuhayan ng mga miyembro

UMABOT sa 22 koo­pera­tiba ang nanalo sa taong ito base sa pamantayan ng Villar SIPAG Awards on Poverty Reduction dahil napabuti nila ang kalidad ng pamumuhay ng kanilang mga kasapi lalo yaong nasa kanayu­nan.

Tumanggap ang bawat awardee ng P250,000 cash mula sa Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG).

Ang mga kasapi ng Villar Family na sina dating Senate President Manny Villar, Sen. Cynthia Villar, Vista Land CEO Paolo Villar, Public Works Sec. Mark Villar, at  Las Piñas Rep. Camille Villar ang nag-abot ng award sa mga kinatawan ng nanalong kooperatiba mula  sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Dalawang koope­rati­ba ang binigyan ng special citation at pinagkalooban ng P150,000 bawat isa.

Ginanap ang award­ing ceremony sa bagong pinasiyanan na The Tent sa Vista Global South, Las Piñas City.

Ang okasyon ay kasa­bay ng pagdiriwang  ng kaarawan ng dating Senate President na nagsilbi ring House of Representatives Speaker at Villar SIPAG founding chairman.

“The indispensable role of cooperatives in the realization of our people’s common aspiration espe­cially in the rural areas should be recognized. Through this award that we give out yearly, we hope to be able to encourage them and provide support to their projects,” ayon kay Sen. Cynthia Villar, director of Villar SIPAG.

Isa sa awardee ang Kooperatibang Naton Multi-Purpose Co­ope­rative na itinayo noong 2004, may 24 kasapi sa Iloilo at inisyal na capital na P7,000.

Nagsimula sila bilang tindahan na nagbebenta ng bigas at groceries sa kanilang church members.

Sa ngayon, mahigit 1,600 ang kanilang kasapi at ang kanilang asset ay mahigit P81 milyon.

Kabilang sa awardees ang mga kooperatiba na nagbigay ng suporta sa mga magsasaka at ma­ngi­ngisda sa pamama­gitan ng murang pautang at iba pang tulong.

Ang mga nanalo sa SIPAG awards on poverty reduction para sa  taong 2019 ay ang mga sumu­su­nod: KILUS Founda­tion Environmental Multi-purpose Cooperative (Barangay Ugong, Pasig City); Margins, Church Social Enterprise (Manila); Pag asa ng Paglaya Multi­purpose Co­operative (Poblacion, Muntinlupa City); Lagawe Multi-purpose Development Cooperative (LMDC) (Lagawe, Ifugao); Suyo Multi-purpose Coope­rative (Suyo, Ilocos Sur); Alliance of Land Bank Assisted Cooperatives (ALBACOPA) Federation of Cooperatives (Sta. Maria, Pangasinan); Saint Joseph Multi-Purpose Cooperative-Belance (Dupax Del Norte, Nueva Viscaya);

Watch Life Workers Multi-purpose Coopera­tive (Mariveles, Bataan); Batangas Egg Producers Cooperative (BEPCO) (San Jose, Batangas); Shoreline Kabalikat sa Kaunlaran, Inc. (SKKI) (Naic, Cavite); Luntian Multi-purpose Coopera­tive (Tiaong, Quezon);

Entrepreneurs Alumni Development Coope­rative (EADCOOP) (Daraga, Albay); Kooperatiba Naton Multi-Purpose Cooperative (Tigbauan, Iloilo); Association of Negros Producers, Inc. (Bacolod City, Negros Occidental); Abuyog Saint Francis Xavier Credit Cooperative (AFCCO) (Abuyog, Leyte); People’s Micro-Finance Corporation (Tumaga, Zamboanga City); Labason Multi-Purpose Cooperative (Zamboanga Del Norte); King Multi-Purpose Cooperative (Davao City);

Mangagoy Fisher­men’s’ Multi-purpose Coope­rative (Bislig, Surigao del Sur); Manti­bungao Agrarian Bene­ficiaries Farmers’ Coope­rative (MABFC) (Manolo Fortich, Bukidnon).

Tumanggap ng special awards ang Bigay Buhay (Building Lives) Multi-purpose Cooperative ng Novaliches, Quezon City; at Mansalay Farmers and Fishermen Multi-purpose Cooperative (MAFDECO) ng Roxas, Oriental Mindoro.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply