Tuesday , May 28 2024

Magkaisa para sa atletang Pinoy

Opisyal nang nagpalabas ng pahayag ang Century Park Hotel tungkol sa mga reklamo na pinakawalan sa social media ng mga dayuhang atleta tungkol sa kanilang room accommodation at iba pa.

Hindi naman pala pinabayaan ng hotel ang mga manlalaro dahil 2pm naman talaga ng hapon ang standard check-in time. Nagkataon lang na napaaga ang dating ng mga atleta. Magkagayon­man, 8:30 am pa lang ay nabigyan na ng kuwarto ang ibang mga manlalaro at ang iba naman ay inistima sa holding area at doon sinilbihan ng pagkain.

Sa nakaraang dalawang araw, sa buong 77 arrivals ng mga atleta mula sa ibang bansa, nagkaroon man ng problema ang ibang delegado, hindi naman ibig sabihin na palpak na ang buong paghahanda sa South East (SEA) Games. 

Hindi gawang biro ang mag-host ng malaki­hang international sports events at sinumang eksperto ang tanungin ay sasabihing normal ang mga ganitong pangyayari at hindi naiiwasan ang mga aberyang ganito, kung aberya man itong matatawag.

Sa harap ng mga lumalabas na mga balita tungkol sa preparasyon ng SEA Games, panawa­gan natin sa ating mga kababayan na magkaisa para suportahan ang ating mga atleta na sasabak sa palaro sa susunod na linggo.

Huwag natin kalimutan na dangal ng ating bayan ang dadalhin ng bawat atletang Pinoy sa kanilang pagsabak sa palaro upang maibulsa ang overall champion na karangalan sa SEA Games.

At panawagan sa ating mga kababayan na maghinay-hinay sa pagbibigay ng mga komento at opinyon hangga’t hindi pa naririnig o nalala­man ang buong kuwento o ang kabilang panig. Huwag nating ibaon ang sarili nating bansa.

Ang pagdaraos ng 30th SEA Games ay karangalan ng buong bayan. Karangalan na nadama natin noong huli tayong nagdaos ng SEA Games noong 2005. Huwag na nating palakihin ang maliliit na bagay kagaya ng mga reklamo sa paulit-ulit na pagkain at kung ilang bote ng tubig ang dapat na ibigay sa mga atleta sa loob ng isang araw. Nasosolusyonan nang mabilis ang ganitong mga problema.

Imbes magbatikusan tayong lahat, ituon na lamang natin ang ating atensiyon sa pagpalak­pak sa ating mga manlalaro kahit anuman ang kanilang kahinatnan. 

Ang sabi nga, “We WIN as ONE !

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *