Wednesday , July 6 2022

EDSA bus test ng MMDA eksperimentong anti-commuters

ISANG malaking kahangalan ang eksperimento ng Metropolitan manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga provincial buses sa EDSA.

Mabuti na lamang at agad naglabas ng injunction order ang korte para tigilan ang kahangalan ng MMDA at LTFRB.

Sa maraming bansa sa buong mundo, ang pinagagaaan ng mga transportation authorities ay mass transportation system.

Kung mayroon mang private vehicles, maliit lamang ang bilang.

Pero rito sa ating bansa, only in the Philippines na parang walang inisip ang mga awtoridad kundi pahirapan ang mahihirap nating commuters.

Sino ang mga ordinaryong commuters sa ating bansa na sumasakay ng provincial buses, Metro Manila buses, LRT, MRT at iba pang sasakyang pampasahero?

Walang iba kundi ang mga kababayan natin na nagtitipid ng kanilang pasahe gaya ng mga manggagawa, simpleng empleyado, estudyante, mga guro, kawani ng gobyerno at iba pa na umaasa sa kakarampot nilang kita.

Tapos sila pa ang gustong pahirapan ng eksperimento ng MMDA at LTFRB?!

Ang kalsada gustong ibigay sa mga priba­dong behikulo at ang commuters’ transportation kulang na lang ay padaanin sa iisang lane ng EDSA?!

Wattafak!

Mabuti sana kung sa mga kamoteng opisyal ng MMDA at LTFRB nagagalit ang tao, e hindi e, kay Pangulong Rodrigo Duterte sila nagagalit kasi nga nakapagtalaga ng mga pulpol na opisyal.

Mukhang ang kailangan italaga ng Pangulo sa LTFRB at MMDA ay millennials hindi gaya ng mga nakaupo riyan ngayon na mukhang wala nang mapiga sa utak nila.     

Mr. President Sir, ang daming mga batang urban planners sa bansa, bakit hindi sila ang ilagay ninyo riyan sa puwestong tila ayaw nang bitawan nina Atty. Martin Delgra III at Gen. Danilo Lim?!

Kung hindi na sila nagiging epektibo, bakit hindi na lang palitan?!

Huwag nilang ikatuwiran na matagal na ang problemang ‘yan sa EDSA, ang isipin nila kung paano lulutasin ang traffic sa EDSA.

Mantakin ninyo, hanggang kahapon, tuloy pa rin ang eksperimento kahit marami na ang nagrereklamo?!

Gigil na gigil sila sa provincial buses e ilan lang naman ‘yang mga bus na ‘yan?!

At sino ang maghahatid sa commuters mula Valenzuela City at Sta. Rosa, Laguna? Hindi ba’t bus din?

Dagdag pasahe na, hindi pa sigurado na mawawala na ang traffic.

Esep-esep hoy!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply