Monday , July 4 2022
SUNTOK-DIGONG ang ipinakita ng 10 senator-elect habang kamay sa dibdib kay Senator Grace Poe at nakatagong kamay sa likod kay Senator Nancy Binay ang makikita sa 12 senador na iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) kahapon. Makikita sa larawan sina senators Bong Revilla, Francis Tolentino, Lito Lapid, Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go, Cynthia Villar, Grace Poe, Pia Cyetano, Sonny Angara, Imee Marcos, Koko Pimentel at Nancy Binay sa PICC sa Pasay City kahapon. (MANNY MARCELO)

Magic 12 senators iprinoklama na

KAHAPON  pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang Magic 12 senators  na inihalal ng sambayanan nitong nakaraang 13 Mayo 2019.

Sila ang 12 senador na magtatagal hanggang sa 2025.

Siyempre pinangungunahan ‘yan ng bilyonaryong si Senadora Cynthia Villar.

Sumundo ang independent na si Senator Grace Poe.

Pangatlo si dating SAP Bong Go, sumunod ang nagbabalik na si Senator Pia Cayetano, ang bagitong si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, reelectionist Sen. Sonny Angara, ang nagbabalik din na si ‘pinunong’ Lito Lapid, dating Ilocos Norte governor Imee Marcos, dating political adviser Francis Tolentino, reelectionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel at nagbabalik din na si Ramon “Bong” Revilla Jr., at reelectionist Nancy Binay.

Congratulations po sa inyong lahat.

Ngayong proklamado na kayo, malamang marami sa inyo ang magpapahinga muna lalo na ‘yung hindi na-enjoy ang summer dahil todo-kampanya.

Hindi na nakapagtataka kung ang susunod ninyong status sa social media ay nasa mga banyagang lugar na kayo.

Anyway, hinay-hinay lang po sa pagba­bakasyon baka pagbalik ninyo ‘e bigla kayong ma-dislocate at ma-disorient lalo’t kumbaga sa hapag kainan, maraming pusang galang nag-aabang sa ibaba.

Kamukat-mukat ninyo e wala na kayong hawak na ‘kumita’ ‘este committee.

Again, congratulations Magic 12!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply