Saturday , July 2 2022

Bingbong may kulong sa pork scam

IPINAMAMADALI ng Quezon City for Good Governance (QCGG) sa Sandiganbayan ang desisyon sa kasong isi­nampa ng Office of the Ombudsman laban kay Rep. Vincent “Bing­bong” Crisologo kaug­nay ng pork barrel scam na kinasasang­kutan nito.

Ayon sa QCGG, Oktubre 2017 pa nang kinasuhan si Crisologo matapos madiskubreng naglaan ng P8 milyon sa isang bogus NGO noong 2009.

Sa isinampang kaso ni former Ombudsman Conchita Carpio Mora­les, si Crisologo ay dala­wang beses lumabag sa Repub­lic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Prac­tices Act bukod pa ang mal­versation of public funds at dalawang ulit pang palsipikasyon ng public documents.

Kasama ni Crisologo sa mga kinasuhan ng Ombudsman sina dating DSWD secretary Espe­ranza Cabral, DSWD undersecretaries Mateo Montano, Lualhati Pablo, Assistant secretary Vilma Cabrera, Chief Accoun­tant Leonila Hayahay at Assistant director Pacita Sarino.

Ang opisyal din ng bogus NGO na Kalookan Assistance Council, Inc (Kaci) na si Cenon Mayor ay kinasuhan ng Ombud­sman bilang beneficiary ng P8 milyong pondo mu­la sa pork barrel ni Crisologo.

Ayon sa Ombudsman, lumitaw sa pag-iimbestiga ng Task Force PDAF, na inendoso ni Crisologo ang KACI na mangasiwa ng imple­mentasyon ng social ser­vices project gaya ng pagkargo sa medical and hospitalization, tran­sportation, calamity, death, burial, educa­tional expenses at iba pang program gayong hindi naman ito lehi­timong organisasyon.

Maging ang supplier ng KACI na Silver A. Enterprises ay hindi rin nakarehistro bilang busi­ness entity na lalong nagpatindi sa panana­gutan ng kongresista sa paglalaan ng P8 milyon sa bogus NGO.

“Kung iyong ibang senador ay nakulong dahil sa alegasyon ng paglaan ng pondo sa pekeng NGO, bakit si Congressman Crisologo ay nasa laya pa rin?” tanong ng QCGG.

Nanawagan din ang QCGG sa Sandigan na huwag pairalin ang selective justice kung talagang gusto nitong magkaroon ng malinis na pamahalaan.

 

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply