Friday , July 26 2024

Sen. Grace Poe, tiyak na No. 1 sa nalalapit na halalan

KUNG pagbabasehan ang pitong senatorial surveys pinakahuli ang resulta ng Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong 7-17 Enero 2019 at Social Weather Stations (SWS) nitong 23-26 Enero 2019, wala nang makatitibag kay Senadora Grace Poe na maging topnotcher sa midterm elections sa Mayo 13.

Sa prestihiyosong SWS survey, nakakuha si Poe ng 64 porsiyento (%) sa mga tinanong samantala nasa ikalawang puwesto si Sen. Cynthia Villar na may natamong 57%, at sumunod sa kanila ang kapwa nagbabalik sa Senado na sina dating senador Lito Lapid (44%) at Taguig City Rep. Pia Cayetano (43%).

Malaki ang inilundag ng dating nabibilang sa laylayan ng mga ­survey na patas kay Sen. Sonny Angara sa ikalima at ikaanim na puwesto na si dating Special Assistant to the President Bong Go sa nakuha nilang tig-41%.

Sumunod si Sen. Nancy Binay (39%) habang statistically tied naman ang mga dati rin senador na sina Sen. Mar Roxas (38%) at Ramon “Bong” Revilla Jr. (38%) sa ikawalo at ikasiyam na puwesto.

Kinompleto nina Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa ika-10 puwesto (36%); Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV (33%) sa pang-11 at dating senador Jinggoy Estrada (31%) ang pagpasok sa Magic 12.

Ayon kay election strategist Porfirio Callanta, malaki ang bentaha ng mahika ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. (FPJ) sa kasikatan ni Poe partikular sa Visayas at Mindanao.

“Talagang magiging topnotcher si Senadora Poe sa May 13 elections dahil ipinaglalaban niya ang alaala ng kanyang ama na nadaya sa dagdag-bawas o electoral fraud noong 2004,” ani Callanta. “Masakit pa rin ang pangyayaring iyon sa mga tagahanga ni FPJ kaya iluluklok nila si Senadora Poe bilang topnotcher sa Senado.”

About hataw tabloid

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *