57th Cityhood anniversary at Chinese New Year party, pagsasabayin sa Caloocan

ANG lahat ay inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa gaganaping selebrasyon ng 57th Cityhood Anniversary at Chinese New Year party sa darating na ngayong araw, 4 Pebrero 2019.

Ito ay gaga­napin sa Caloocan City Hall complex na matatagpuan sa 8th Street, 8th Ave­nue, Grace Park ng nasabing lungsod.

Ang mga mag­sisipunta ay masu­werteng masa­saksihan ang ini­han­da ng Caloo­can City Cultural Affairs and Tourism Office na grand fireworks display at concert na tamkpok ang Parokya ni Edgar, Sexbomb New Generation, at iba pang surprise celebrity guests.

Ang nasabing party ay mag-uumpisa ganap 7:00 pm, kaya’t makisaya at dumalo.

(JUN DAVID)