Friday , December 3 2021

Ilang eksena sa Ang Probinsyano, sobra ang tapang

MARAMI ang nakakapansin sa ilang pagbabago ng seryeng Ang Probinsyano. Maaksiyon naman pero madrama. Mistulang mga pelikulang likha ng Sampaguita Pictures noong araw.

Naroon ang estilo ng pagliligawan na hinarana ni Lito Lapid si Angel Aquino at panay ang pagbubulungan nina Bianca Manalo at John Prats.

May nagtatanong din kung paano namang maiisipan pa ni Joross Gamboa ang manggahasa ng isang babaeng anak ng magsasaka sa kaguluhan nangyayari sa kanilang lugar. Kasama pa ang sangkaterbang  tauhan na naghihintay sa kanya sa labas. May time pa talagang manghalay ang actor.

At nakagigimbal din sa mga manonood ang pagbaril sa babae ng harapan. Sobra ang tapang ng eksena at paano ito nakalusot sa maseselang tagapagmasid sa mundo ng telebisyon?

Dapat tandaan na mga bata ang nanonood at hindi mga senior citizen  na sanay makapanood ng ganoong eksena.

 

Maine, wish na iguhit ng isang artist

MAY kahilingan sana si Maine Mendoza bago magtapos ang taon. Ang iguhit siya ng isang artist.

Sawa na siguro ang dalaga sa pagkakaroon ng mga larawan sa cellphone at telebisyon na isang minuto lang at naglalaho na ang kagandahan. Unlike sa painting na puwede niyang i-display.

Empoy, dinumog ng mga kamag-anak

MASAYA ang Pasko ng komedyanteng si Empoy Marquez dahil dinumog siya ng mga inaanak. Iba na kasi ang katayuan niya sa buhay.

Masaya rin si empoy para sa kanyang bayan sa Baliuag na kahit paano humahabol magkaroon ng Christmas decor sa kabayanang kinaroroonan ng Baliuag Park.

Noong Simbang Gabi sa Baliuag, may iba’t ibang  contribution ang mga dumarayong magsimba. Everyday, iba-iba ang dinadalang handog ng mga mandarasal. Nariyan ang sardinas, kape, asukal, bigas, tinapay at iba pa. At ang malilikom ay ibibigay ng Baliuag Church sa mga kababayang mahihirap na namamasko.

Sana tularan sila ng ibang simbahan para makatulong sa kahirapan ng mga kabarangay

***

BIRTHDAY greetings sa mga December born—ex-mayor Alfredo Lim, ex-senator Nikki Coseteng, Brenda del Rio, Alice Cabahug, at Beth Jones, ina ni Angelica Jones, Arnold Esguerra—Escolta Boy.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Herbert Batista Rene Boy

HB iniyakan ng matatanda at tinawag na Rene Boy

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IIYAKAN ang matatandang babae kay senatoriable Herbert Batista nang umikot siya sa Cebu City …

Blind Item, Mystery Man, male star

Baguhang male star na jutay at mahal sumingil ‘di na in sa mga beki

HATAWAN!ni Ed de Leon MATAPOS ang isang ginawang BL, wala na ngang narinig tungkol sa isang baguhang …

Derrick Monasterio, Ricky Martin

Derrick Monasterio pina-follow ni Ricky Martin ng Menudo

HATAWAN!ni Ed de Leon MUKHA nga yatang ang gusto nilang palabasin ay si Derrick Monasterio na ang pinaka-sexy …

Daniel Padilla

Daniel apektado ng cost cutting

HATAWAN!ni Ed de Leon KUNG napapansin ninyo, ang maraming projects ngayon ay iyong mga baguhang love teams, …

Bea Alonzo Tanduay Calendar Girl 2022 Feat

Bea kung kailan tumanda at saka nagpa-sexy

MATABILni John Fontanilla POSITIBO at negatibo ang reaksiyon ng netizens sa paglabas ng mga sexy photo ni Bea …

Leave a Reply