Saturday , April 20 2024
Sipat Mat Vicencio

Humabol pa si Bong

KUNG minsan, maniniwala ka talaga sa suwerte.

Sino nga naman kasi ang mag-aakalang sa isang iglap, babaliktad ang tadhana, at ngayon ay maaari pang makalusot si dating Senator Bong Revilla sa darating na May 2019 midterm elec­tions.

Matapos makasuhan ng pandarambong at makulong, inakala ng lahat na tapos na ang political career ni Bong. Pero nang iabsuwelto ng Sandiganbayan nitong Biyernes sa kasong plunder, mukhang nag-iba ang ihip ng hangin!

Maraming political analyst ang nagsasabi ngayon na isa si Bong sa makapapasok sa magic 12 ng senatorial race.

Kaya nga, ‘umiiyak’ ngayon ang mga poli­tikong nag-aambisyon maging senador lalo na ‘yung hirap na hirap na makapasok sa magic 12 o kaya kahit sa top 20 man lang ng mga senatorial survey. Lalo kasing naging mahigpit ang labanan matapos ‘pumutok’ ang pangalan ni Bong dahil na rin sa kanyang pagkakaabsuwelto.

Kung tutuusin, wala nang bakante sa 12 puwestong pinag-aagawan ng senatorial aspirants. Nakalaan na kasi ito sa reelectionist senators at mga nagbabalik-Senado na siyang pupuno sa 12 mababakanteng puwesto sa Senado na bubuo ng 18th Congress.

At kung inaasahan, muling mahahalal ang mga reelectionist gaya nina Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay, Koko Pimentel, Sonny Angara, JV Ejercito, Bam Aquino, isama pa ang mga nagbabalik na mga senador tulad nina Juan Ponce Enrile, Mar Roxas, Serge Osmena, Lito Lapid, Jinggoy Estrada at Pia Cayetano, aabot na agad ito sa 13.

Kung tutuusin, 14 sila na maituturing na llamado sa senatorial race dahil sa pagpasok ni Bong sa eksena. Nangangahulugang, super sikip ang senatorial race lalo na para sa mga ngayon pa lang nag-aambisyong maging senador.

Tiyak na labo-labo ang mangyayari kina former PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa, former Special Assistant to the President Bong Go, former MMDA chairman Francis Tolentino, former Presidential Spokesman Harry Roque at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Kung mabigat ang laban ng mga nagbabalik na mga senador lalo naman siguro sa mga politikong ngayon lang magtatangkang maging senador. Dito masusukat ang haba ng kanilang ‘pisi’ kabilang na ang lawak ng kanilang makinarya at organisasyon.  Sabi Sabi nga, kahit butas ng karayom ay kanilang papasukin manalo  lang sa eleksiyon.

Pero hindi malayong magbago pa ang senatorial race standing habang papalapit ang halalan. Inaasahang makapapasok si Bong sa magic 12 at marami rin naman dito ang malalaglag at mapapalitan ng iba pang senatorial candidates.

At sa mga kandidato naman ng oposisyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, maliban nga kay Mar, huwag na nating asahan pang maka­papasok  sila sa magic 12 dahil nakatitiyak tayo na sa kangkungan sila dadamputin sa araw ng eleksiyon.

SIPAT
ni Mat Vicencio

 

About Mat Vicencio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *