Friday , July 26 2024
Rolly Policarpio Jeanine Policarpio
Rolly Policarpio Jeanine Policarpio

Engr. Rolly at Jeanine Policarpio, kapuri-puri ang adbokasiya

KAPURI-PURIang adboka­siya nina Engr. Rolly at Ms. Jea­nine Policarpio sa pama­magitan ng kanilang Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foun­dation. Dahil sa magan­dangresulta ng kanilang negosyo, naisipan nilang magtayo ng foundation na tutulongsa mga batang kapos-palad para maka­pagtapos ng pag-aaral.

Nagpa-block screening sila ng Three Words To Forever ni Direk Cathy Garcia-Molina na tinatampukan nina Sharon Cuneta, Richard Gomez, at Kathryn Bernardo, with Freddie Webb, Liza Lorena, at Joross Gamboa. Nakaaaliw ang pelikula, pero mas nakatutuwa na ang nalilikom na pondo rito ay ipinangtutustos sa scholars ng naturang foundation.

Paliwag ni Ms Jeanine, “The bussiness started from the construction management company, after 10 years nag-celeberate ang company and na-realize namin na it’s better na marami kang matulungan. So, in-establish namin ang Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foundation. Doon nag-start and then nag-push kami more on the scholars. Kasi I have three college students, so, sila ‘yung nag-feed sa akin na, ‘Mommy, ang dami-daming hindi na­ka­ka­tapos ng pag-aaral.’ So, kaysa mag-donate ka­mi kung sa­an-saan, ‘di ba?

“So we put-up the foundation, at least ito ay nakikita namin na talagang nakatatapos ang mga bata, natutulungan at dumederetso talaga iyong contri­bution. Ngayon three years na natin, mayroon na kaming graduate na apat, in three years kasi nag­karoon nang k-12, ‘di ba? Tapos ngayon nag-start na three ulit na 1st year at two na fourth year. Puro college na sila.

“So we’re doing the fund­raising to sustain the foun­dationand not only that, para at least dumami… kaya tayo nagpa-fund raising para sascholars natin,” ani Ms. Jea­nine na third time na nagpa-block screening paramakapag raise ng funds.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *