Sunday , May 19 2024
Koko Pimentel Ferdinand Topacio
MAY 17, 2017 Sen. Alan Peter Cayetano with Senate Pres. Koko Pimentel. The Commission on Appointments confirmed their consent to his appointment as the new Foreign Affairs Secretary at the Senate Session Hall. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Atty. Topacio, naniniwalang ‘di na puwedeng kumandidato ulit si Sen. Koko

KOMBINSIDO si Atty. Ferdi­nand Topacio na hindi na puwe­deng tumakbo for re-election sa darating na halalan si Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel Jr. Kaya naman nag-file siya sa Comelec, sa Clerk of the Com­mission, para pigilan o i-dis­qualify si Sen. Koko sa muling pagtakbo bilang senador.

Naniniwala naman si Sen. Koko na hindi siya lumabag sa konstitusyon dahil hindi siya nag-serve nang buo sa una niyang termino. Idineklara noon bilang 12th senator si Sen. Koko pagkatapos ng electoral protest laban kay Sen. Zubiri noong Agosto 2011. Tumagal nang higit isang taon ang unang termino ni Sen. Koko. Na-elect muli si Sen. Koko noong 2013.

Pahayag ni Atty Topacio, “Magkaibigan naman kami niyang si Koko noong 1995 pa, kaibigan ko na iyan. Magkasama kami sa Rotary. Tumakbo siyang mayor ng Cagayan de Oro, kasama ako noong nangampanya siya. Noong tumakbo siyang senador first time, natalo siya, kasama niya ako. Kapag tumatakbo iyan tuwing eleksiyon ay kasama ako at puwede ninyong ipagtanong iyan kung hindi totoo.”

Ano ang reaction ng maga­ling na abogado sa claim ni Sen. Koko na hindi naman daw siya humingi ng payo sa kanya? “Baka nag-selective memory siguro siya.

Marami naman kaming kinon­sulta, sabi niya, “Tingnan n’yo nga kung puwede pa akong tumakbo o hindi.’

“Sabi ko, ‘Pareng Koko, ala­nganin ka, alanganin ang pag­tak­bo mo for another term. Kasi, para sa akin, second term mo na ito. Third term mo na kapag tatakbo ka ulit. Hindi ko naman sinabi na tama ako. Iyon nga lang ang paniniwala ko. Sabi ko, ‘Para maganda, wala silang masabi na traditional na politician ka, na gahaman ka sa kapang­yarian. Kapag may kaunting du­da, huwag ka na lang tumakbo.’”

“Hindi naman niya mina­sama kaya lang hindi niya kinu­ha iyung payo ko which is okay with me. Kaso ho, iyon ang paniniwala ko at noong nakita ko na tatakbo siyang muli at iyon ay kontra sa aking paniniwala, tingin ko my duty as a citizen, as a registered voter and as a member of Philippine Bar na kuwestiyonin siya. Hindi para mainis sa akin si Sen. Koko, kundi tingnan natin kung ano ang sasabihin ng batas,” sabi ni Atty. Topacio.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Therese Malvar, si Gladys Reyes ang peg na kontrabida sa Inagaw Na Bituin

Therese Malvar, si Gladys Reyes ang peg na kontrabida sa Inagaw Na Bituin

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *