Thursday , May 23 2024
Aiko Melendez Jay Khonghun
Aiko Melendez Jay Khonghun

Aiko Melendez, full support sa kandidatura ng BF na si Jay Khonghun bilang Vice Gov ng Zambales

NAGPASYA ang award-winning actress na si Aiko Melendez na huwag munang magbalik sa politika para mas makatulong sa kampanya ng kasintahang si Subic, Zam­bales Mayor Jay Khonghun na kakandidatong vice governor ng Zambales sa darating na halalan.

Plano sana ni Aiko na tumakbo muli sa pagka­kon­sehal sa Quezon City, dahil sa kahilingan ng mga constituents niya na patuloy na nagmamahal sa kanya. Pasok sa Top 6 sa survey si Aiko sa pagkakon­sehal sa Second District ng Quezon City na pinagsilbihan niya nang tatlong termino bilang konsehal mula 2001 hanggang 2010.

Sa aming exclusive na panayam, sinabi ni Ms. Aiko na mahirap na desisyon ito para sa kanya. “Mahirap ang mag-decide also pero ipinagdasal ko also kuya Nonie kasi my decision also my statement explains what’s in my heart po.”

Dagdag niya, “Nakakataba po ng puso na nandiyan ang suporta ng ating constituents, pati sa survey po nasa Top 6 po ako and pati po ‘yung chairman ni Pres. Duterte sa QC gusto ako roon po, pero may mga bagay talaga na ipauubaya ko muna for now po.”

Posible ba siyang maging campaign manager ni Mayor Jay?

Nakangiting tugon ni Ms. Aiko, “Hindi po ako ang campaign manager ni Mayor, ako ay taga­supporta lang at nakaalalay sa kanya sa campaign. May mga lugar po na pupuntahan namin nang sabay to personally check ‘yung conditions ng mga taga-Zambales po. Mayroon silang campaign manager po talaga.”

Narito naman ang post ni Ms. Aiko kahapon sa pag-file ni Mayor Jay ng kandidatura bilang Vice Governor ng Zambales:

Today is just the start of his journey of serving the Province of Zambales, For vice governor. d’þ Sa mga taong di po naka­kaalam as a public service po si Jay for 18 years. Nag-umpisa bilang Board Member haggang naging Mayor po ng 9 na taon. Hinog na po kung tutuisin. Mag-ikot po kayo sa Subic para malaman n’yo din po marami po s’ya nagawa. Congrats baby and goodluck! Ngayon palang iam a Proud partner d’þ @mayor_jaykhonghun May God be with you! Shine for Jesus  🙂 @ San Marcelino, Zambales

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Kenken Nuyad, wish sa Pasko na makasama sina Bossing Vic at Coco Martin
Kenken Nuyad, wish sa Pasko na makasama sina Bossing Vic at Coco Martin

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *