Saturday , November 27 2021
Kris Aquino
Kris Aquino

Kris, sumailalim sa tumor marker test

PARA masagot na ang pag-aalala, ibinahagi ni Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang pagsailalim niya sa tumor test sa Singapore.

Sa post na, “It takes a lot of courage to be honest,” sinabi ni Kris na, “I’ve shared my life by courageously sharing my trials without hiding the painful truths. And i decided that this chapter will be no different.”

Ani Kris, nagtungo siya ng Singapore para magpatingin o malaman ang tunay na dahilan ng mabilis niyang pagpayat.

Pagbabahagi ni Kris, “Bimb & i read through several medical terms i googled so he’d understand what may lie ahead. These are from medical tests we’ve treated since September 2015 but unfortunately some tests done in the Philippines last week had results no longer as good as those from San Francisco in March 2018. My 11 year old needed the assurance that his mama would fight bravely because my tests start tomorrow.

“We flew to Singapore because i know how many Filipinos work in the medical field here & i wanted to lessen my family’s burden by choosing transparency.”

Aniya, sumailalim siya sa tumor tests para masagot na rin ang anumang takot. At ang resulta, negative. “Let me be categorical: all tests for any tumor markers were negative. Because of my very evident weight loss i had tests done to specifically answer that fear.”

Nakatakda ring magsagawa ng iba pang tests kay Kris hindi lamang niya sinabi kung ano pa iyon. At ang mga nauna niyang idineklarang nararamdaman tulad ng hypertension, allergies, at migraine, ay ikokonsulta rin.

Atty Fortun’s statement about my treatment w/ prescription medication for hypertension, severe allergies, and migraine remains true. But we flew to Singapore to see one specialist for 3 areas of my health that needed to be immediately addressed with appropriate treatment for me to have the best chance to regain my health.

“The words our Mom said near the end of her life are vividly recalled in my mind “i fought for my life because i knew you weren’t ready.” Our mother braved the surgeries, treatments, and extreme physical pain of terminal cancer because she loved us so much that she wanted to give us what our dad’s assassination stole from us- enough time to prepare and accept God’s will.

“I am my mother’s daughter because i strive to be the mother i had growing up- someone who LOVED & fought for her children unconditionally.

Humingi ng dasal si Kris para sa kanyang kalagayan at sinabing isinusuko niya ang lahat sa Panginoon para sa kanyang mabilis na paggaling.

Hiniling din niyang ipagdasal ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

“i don’t dare ask you to pray for me- i now completely surrender to God’s merciful care. Pero kakapalan ko po ang mukha ko at makikiusap: please PRAY for my 2 sons, Josh and Bimb…kahit sinong magulang maiintindihan po ako, gagawin natin ang lahat wag lang masaktan, ma-agrabyado, o mahirapan ang mga pinakamamahal nating mga anak. Isasakripisyo natin ang lahat masiguradong okay sila. That’s what happens when you become a parent, you wholeheartedly surrender being number 1.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply