Friday , July 26 2024
Tanabata’s Wife ToFarm
Tanabata’s Wife ToFarm

Tanabata’s Wife humakot ng awards sa 3rd ToFarm filmfest mapapanood pa hanggang Sept. 18

SIYAM na awards ang hinakot ng Tanabata’s Wife sa 3rd ToFarm Film Festival Awards Night na ginanap sa Rizal Ball­room ng Makati Shangri-La last Saturday, September 15.

Kabilang sa major awards na nakuha ng Tanabata’s Wife ang Best Picture, Best Director para kina Charlson Ong, Lito Casaje, at Choy Pangilinan; Best Actor para kay Miyuki Kamimura; at Best Actress for Mai Fangla­yan. Nakuha ng peliku­lang 1957 ang 2nd Best Picture award, at 3rd Best Picture ang Alimuom.

Ang veteran actor na si Richard Quan ang nanalong Best Supporting Actor (1957), samantala nagtabla naman para sa Best Supporting Actress sina Bayang Barrios (Kauyagan) at Gilleth Sandico (Sol Searching).

Ang iba pang nanalo ay: Best Screenplay – Tanabata’s Wife; Best Story – Hubert Pibi (1957); Best Cinematography – Nap Jamir (Tanabata’s Wife); Best Editing – May-i Guia Padilla (Tanabata’s Wife); Best Musical Score – Kurt Alalag, May-i Guia Padilla, Marc Tan (Tanabata’s Wife); Best Sound – Immanuel  Verona (Mga Anak ng Kamote); at Best Production Design -Martin Masadao (Tanabata’s Wife).

Ang awards para sa Short Film category na tinawag na The Direk Maryo J Memorial Awards ay nakamit ng Sikap para sa Aning Ginto Award; Best Short Film –Panginoong May Lupa; 2nd Best Short Film –Kaluguran Da Ka, Ma!; at 3rd Best Short Film –Tahanan ng Isang Magsasaka.

Nakuha ng pelikulang ‘Sol Searching’ ang People’s Choice Award.  Kabilang sa pinagka­looban ng special awards ng gabing iyon ang veteran actor na si Robert Arevalo bilang celebrity farmer, at sina Joey Romero at Bibeth Orteza.

Nagkaroon din ng tribute para sa namayapang si direk Maryo J. delos Reyes na siyang Festival Director ng ToFarm hanggang siya ay pumanaw.

Ang ToFarm ay mula sa vision at pamumuno ni Dr. Milagros How, presidente ng Universal Harvester Incor­porated. Kabilang sa bumubuo ng jury ng 3rd ToFarm filmfest sina Manet Dayrit, Sigrid Andrea Bernardo, Moira Lang, at Jerrold Tarog. Host ng gabing iyon si Reb Atadero.

Anyway, mapapanood pa rin hanggang sa Tuesday, Septem­ber 18 ang 3rd ToFarm filmfest sa Trinoma, Gateway Greenbelt 1, Robinson’s Galleria, SM Megamall, SM Manila, Gaisano Davao, at Ayala Legazpi (Bicol).

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Mark Anthony Fernandez

Sex video raw ni Mark Anthony pinagkakaguluhan

HATAWANni Ed de Leon SIGURO nga ang masasabing pinaka-malaking issue sa ngayon na pinag-uusapan kahit …

Jillian Ward Boy Abunda

Jillian sa kumukuwestiyon ng mga naipundar — naka-diaper pa lang, nagwo-work na ako

MA at PAni Rommel Placente SA eksklusibong panayam kay Jillian Ward sa limited talk series na My Mother, …

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *