Tuesday , November 29 2022

Dinky Doo, tumutulong sa mga nalulong sa droga

NAIKUWENTO ng comedian/director na si Dinky Doo na minsang naging masalimuot ang kanyang buhay dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Pero kalaunan ay mas pinili niyang magbago at kumapit sa Diyos. Kasabay ng kanyang pagbabago ay ang adhikaing tulungan ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

At para mas mapalaganap ang proyekto laban sa droga, gumagawa siya ng pelikula ukol dito. Nauna na ang D.A.D na tinampukan nina LA Santos, Nina, at Rey “PJ” Abellana.

At ngayon naman ay ang pelikulang My DAD! I Hate Drugs. Siyempre, hindi nagtatapos sa DAD ang lahat dahil may kasunod na agad ito. Malapit na kasing mag-shooting ang next project ni Dinky na sa pagkakataong ito ay hindi lang siya direktor kundi siya pa ang bida sa pelikula. May pamagat itong My DAD! I Hate Drugs na pinagbibidahan nito kabituin sina Claire Ruiz , Alysse Montenegro, Marlon Villarojas, at Tori Garcia.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Blind Item Corner

Male star naudlot makuha ang grandslam

ni Ed de Leon HINDI lang naman sa panahong ito may mga artistang nananalo ng …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Legal team ni Vhong naging kompiyansa

HATAWANni Ed de Leon NGAYON ay lumalabas na affected pala at nag-aalala ang hindi lang …

Leave a Reply