Thursday , June 4 2026

Erwin, may ka-riding-in-tandem sa Ronda Patrol Alas Pilipinas

MAY bagong show sa PTV 4 si Erwin Tulfo titled Ronda Patrol Alas Pilipinas. Co-anchors niya rito sina Lad Augustin at Loy Oropesa. May riding-in-tandem group sa show, na aalamin ang mga problema sa mga lugar na pupuntahan nila at ire-report kina Erwin, Lad, at Loy para bigyan ng solusyon.

Ang show ay produced ng mag-asawang Matte at Queenie Oreta. Mapapanood ito tuwing Sabado, 10:00 to 11:00 a. m..

Sa presscon cum launching ng Ronda Patrol Alas Pilipinas, ipinaliwanag ni Erwin ang concept ng kanilang show.

“The concept of this program is news magazine and at the same time, public service. Public service, because ‘yung mga nakikita ng mga naka-motor na ‘yun, ‘yung mga nagmo-motor sa umaga, they can call in what they see. Problema man ‘yan sa kalsada, aksidente, problema sa baranggay nila, mga basura, mga hindi natatapos na proyekto ng gobyerno, they will report that, from the field, to us, para malaman ng taong bayan at maaksiyonan ng gobyerno o ng kinauukulan. No matter how big or small the problem is, itatawag po nila ‘yan. We will have the authorities act on that,” sabi ni Erwin.

Dagdag niya, ”At the same time, part of the program din po is featured stories, mga business. I-introduce po natin, pag-uusapan din po natin ‘yan, lalo na po ‘yung products and services owned by the owners.

“Ang Ronda Patrol Alas Pilipinas, live po siya sa Radyo Pilipinas, live rin po siya sa Facebook. Inter-active ho ito. Kung mayroon kayong feedback, you can message us, we will try to read your messages. Kung mayroon pong problema sa lugar ninyo, puwede ninyo hong sabihin ‘yan sa amin. At aming aaksiyonan.”

Magroronda rin ba siya sa buong Pilipinas, kasama ang kanyang riding-in-tandem?

“Well, there will come a time po. Pero at this time, we will be receiving reports and at the same time ‘yung riders po natin, ‘pag may incidents reports sila, they can send to us ‘yung mga nakuha nilang video para maipakita natin sa TV at mapapanood po sa Facebook live ‘yung mga kuha ng mga rider po natin,”  sagot pa ni Erwin.

Just in case na magroronda kayo sa buong Pilipinas tapos may makasalubong kayong OFW na Filipina, is it possible na halikan ninyo rin siya gaya ng ginawa ni Pangulong Duterte na paghalik sa isang OFW pero wala namang malice?

Natatawang sagot ni Erwin, ”Wala naman hong masama. Actually, sanay na sanay po ako riyan kasi marami hong fans na gustong humalik, beso-beso. So, no problem po ako roon sa ganoon. Walang malisya ho.”

Kahit pa sa lips halikan, wala pa rin malisya?

“Maski sa lips. Ha, ha, ha!” natatawang sagot uli ni Erwin na tumanggap ng palakpakan at halakhakan mula sa mga dumalo sa presscon cum launching ng kanilang show.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …