Wednesday , October 5 2022

Tom Rodriguez, pag-aasawa ikinompara sa paggawa ng pelikula at telebisyon!

TOM Rodriguez is veritably happy that the role of a lifetime has been given to him lately. Katambal niya sa The Cure ang gandarang si Jennylyn Mercado. Dito, fearless siya sa mga routines at fight scenes na kanyang ginagampanan.

May fight scene siya sa loob ng isang umaandar na truck, and he did it without any double.

“Ang sarap ngang gawin ‘yung mga gano’n, e,” he said in earnest. “Enjoy nga akong gawin, sobra.”

Kahit may mga sugat at pasa siya sa katawan, okay lang sa kanya. Tutal, insured naman daw siya.

“Sayang ang binabayaran sa insurance kung hindi magagamit! Joke lang” and he laughted amused. “Maingat naman ako.”

Since he was a kid, he has always been fond of martial arts and boxing.

Matagal raw niyang hinintay ang role na tulad ng papel niya as Gregory Salvador sa The Cure.

On the lighter side of things, apat na taon na pala ang relasyon nina Tom at Carla Abellana. No wonder, they are always being asked when are they going to settle down. “Siyempre may balak naman lagi, e,” Tom answered.

At the rate things are going, mukhang mas mauuna silang magpakasal ni Carla kaysa kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo?

“Baka,” he said half-amused.

Matalik na magkaibigan sina Tom at Dennis, at iisa rin ang manager nila na si Popoy Caritativo. Magkapareha naman sina Tom at Jennylyn sa The Cure.

May time frame na ba ang kasal nila ni Carla if ever?

“Hindi naman siya ‘yung parang journey or isasabay mo sa kunwari mape-pressure ka dahil matagal na. Siyempre we’re basing it on our own internal clock pareho.

“Parang ‘pag alam namin ‘yung goal, mag-a-align. Iyon lang ang masasabi ko, as far as time, parang premature.”

Getting married, according to Tom, is synonymous with movie making movies.

“Parang pag inano mo na, paano ‘pag may shortcut kayo sa preparasyon dahil para lang movie o TV show na kailangang mai-air na, hindi mo mapulido tuloy kasi nakatali ka na sa airing date.

“Kaya kina-can muna namin, canned,” he asseverated.

But Tom is honest enough to admit that sometimes, he’s also pressured that he and Carla are not married yet.

“Siyempre may pressure sa akin personally na we’re not getting any younger, both of us naman are doing our part regarding that.”

Right now, enjoy naman daw sila ni Carla sa relasyon nila bilang boyfriend-girlfriend.

“As in sobrang okay lahat. I don’t see her as a girlfriend, she’s my partner!

“She’s not JUST my girlfriend, she’s my partner!”

Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply