Thursday , September 29 2022

Nick Vera Perez, inisnab ang Miss Wisconsin Earth para sa NVP1 Homecoming at album tour

HINDI tinanggap ni Nick Vera Perez, magaling na singer, ang pagho-host sa Miss Wisconsin Earth dahil sa promosyon ng kanyang album na I Am Ready at 15 mall shows at iba pang commitment sa ‘Pinas.

Sa ginanap na Grand Homecoming ng NVP1 sa Rembrandt Hotel, ibinalita ng manager ni Nick na inilabas na rin ang tatlo pang single ni Nick, ito ay ang Di Maglalaho, Keep The Fire Burning, at You’re My Hero.

Nasa bucket list ni Nick ang pagkanta na isang Nurse ang propesyon sa Illinois. Natutuwa siyang nakapagpapasaya siya ng marami sa pamamagitan ng kanyang mga awitin. ”It’s not about money. My father always asked me to sing. Siguro, okey na sa akin making it in the industry and if fame goes with it, so be it.

“I am after for getting the crown, I want them to feel good. That’s what I want to do. Kaya naman they can reach me sa  SMULE. As long as I can make them happy, maligaya na ako.”

Kasabay ng pagpo-promote ng album ang pagpili NVP1 Smile World Queen mula sa kanyang napakaraming online friends.

Ani Nick, ”At first there was no criteria (sa pagpili ng NVP1 Smile World Queen) we just appointed lang. It’s a homecoming lang, parang prom lang. Ngayon may three categories na. It’s a loyalty pageant on how well do you know me. But instead of making it serious, we make it fun.”  

Hindi madaling pumili sa may 500-600 online friends ang NVP1 Smile Queen, ani Nick. Ang 2017 NVP1 Smile World ay si Dei Diaz at si Gie Amancio naman ang napiling Ms NVP1 World 2018.

Ang main duty ng itinanghal na MS NVP1 World  ay ang pagsasagawa ng charity. At ito ay sa Kanlungan ni Maria at Childhaus.

Bukod dito, gagawa rin ng pelikula si Nick na inaasahang mauumpisahan na this month. (Maricris Valdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Pokwang

Pokwang nagpapatayo ng bonggang summer house para sa 2 anak

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPATAYO ang komedyanang si Pokwang ng tinatawag niyang summer house sa Bataan para sa …

GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

Kapuso stars namahagi ng tulong sa mga apektado ni Karding

I-FLEXni Jun Nardo NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding. Nag-volunteer ang ilang Kapuso …

Blind Item, Man Woman Fighting

 ‘Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply