Milyonaryo, bilyonaryong mambabatas mag-waive na kayo ng suweldo?

Hayan na naman, nalantad na naman sa publiko ang yaman ng mga mambabatas.
Siyempre nasa tuktok ng mayayamang mambabatas sina senators Cynthia Villar at Manny Pacman .
Mayroon pa bang iba?!
Kung papasok siguro sa politika sina Gokongwei o sina Sy, baka mayroon na silang kakompetensiya.
By the way, kung hindi na kailangan ng pera ng mayayamang solons, bakit hindi na lang i-donate sa mga kapos nating kababayan?!
O kaya naman, huwag na silang kumuha ng suweldo mula sa pamahalaanโ€ฆ i-waive na nila โ€˜yan!
At ibigay sa mga may problema sa kalusugan lalo sa senior citizens at PWDs.
O kaya maglaan ng halaga para sa matrikula ng mga batang hindi mapaaral ng kanilang mga magulang.
Higit sa lahat, pagkain para sa mga kababayan nating hindi makaahon sa malnutrisyon.
Kakasa ba kayo riyan Madam Senator Cynthia and Senator Pacman?!