Saturday , July 27 2024
Anna Marie Montesa Tippy dos Santos
Anna Marie Montesa Tippy dos Santos

15th anniversary ng Montesa Medical Group at birthday bash ni Dr. Anna, bongga ang selebrasyon

MASAYA si Dr. Anna Marie Montesa sa bonggang 15th anniversary celebration ng Montesa Medical Group na isinabay na rin sa birthday bash niya. Ginanap ang naturang star-studded event sa Novotel, Cubao, Quezon City last March 18 at dinaluhan ito ng mga Kapuso at Kapamilya stars.

Isa sa highlight ng gabi ang pag-entra ni Dr. Anna sa event with matching dance number pa.

Nagpasalamat siya sa masaya at matagumpay na celebration na naganap para sa Montesa Medical Group, na isa sa leading player sa beauty wellness industry sa bansa. “This is our way of giving back to those who have kept us ahead of the competition and the subsequent growth that the company experienced,” saad ni Doc Anna.

Dagdag niya, “It is our hope that this celebration would show how we value our partnership with clients, partners, friends and all the stakeholders who have been part of Montesa’s success as one of the trendsetter in the highly competitive beauty and wellness business.”

Ang Montesa Medical Group by Shimmian Manila ay kilala bilang pioneer sa Goretex Noselift, Slimming, Anti- aging at Skin Care treatments.

Samantala, ipinahayag ni Dr. Montesa ang upcoming launching ng kanilang pinakabagong branch sa Ayala Circuit, Makati. Ang nasabing branch ay magke-cater sa markets para sa taga-Manila at Makati.

“This development is a testament to our well-planned expansion path in the Southern part of Metro Manila,” aniya.

 Kabilang sa lalong nagpaningning sa naturang selebrasyon ang mga Kapamilya at Kapuso stars na sina JC De Vera, Bea Binene, Albie Casino, Randy Santiago, Kim Rodriguez, Kylie Padilla, EJ Falcon, Claire Hartell, Tawag ng Tanghalan finalists at ang Grand Champion nito na si Noven Belleza, Alma Moreno, TJ Monterde, Ronnie Liang, Tippy dos Santos, Francis Magundayao, Ella Cruz, Alyanna Asistio, Nadia Montenegro, Rommel Padilla, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *