Monday , December 5 2022

Carlo, bumitaw na sa negosyo nila ng dating GF

MUKHANG malabo na nga talagang magkabalikan sina Carlo Aquino at ang ex-girlfriend niyang si Kristine Nieto dahil ang negosyo nilang food truck ay solong pag-aari na ng huli.

Noong magkarelasyon pa ang dalawa ay sila ang bumuo ng Big Bite Avenue Food Truck dahil nga ng mga panahong iyon ay bihira pa sa patak ng ulan na mabigyan ng project si Carlo at tanda naming sabi niya, ”para lang may iba akong pagkukuhanan ng income, siguro kailangan kong mag-business kasi puro indie films ang offer, alam naman nating mababa ang talent fee ‘pag indie.”

Naging word of mouth ang Big Bite Avenue Food Truck business kaya for a time ay dito naging abala si Carlo hanggang sa inoperan siya ng ABS-CBN ng seryeng The Better Half na naging hit at inabot ng ilang buwan sa ere.

At ngayong nakabalik na muli ang aktor sa showbiz at kaliwa’t kanan ang offer sa kanya sa pelikula, aminadong nawalan siya ng oras sa relasyon nila ni Kristine.

Bumitaw na rin si Carlo sa food truck business nila ng dating karelasyon kaya ngayon ay naisip niyang magtayo ng ibang business para maski paano ay may iba siyang pagkukunan kapag muling humina ang offer sa kanya.

Kinausap ni Carlo ang may-ari ng Beautederm na si Ms Rei Ramos Anicoche Tan para maging distributor ng produkto na isa rin siya sa endorser kasama sina Mat Evans at Sylvia Sanchez.

Si Mat ay operational na ang Beautederm store sa may Farinas Bus Station along Governor Forbes Manila.

At si Carlo ay naghahanap pa ng pagtatayuan ng store niya, ”nagpapatulong sa akin si Carlo kaya naghahanap nga kami ng magandang lugar,” sabi sa amin ni Ms Rei.

Kung tama ang dinig namin para maging distributor ay magsisimula ang puhunan sa P500,000 wala pa ang puwestong pagtatayuan.

Samantala, pina-pictorial na ni Ms Rei sina Carlo at Mat para sa Beautederm billboard nila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Leave a Reply