Thursday , October 21 2021
kris aquino

TV executive, bilib sa nangyayari ngayon sa career ni Kris

MAY nakakuwentuhan kaming TV executive na kinukumusta si Kris Aquino at base sa mga nababasa niya, maganda ang nangyayari sa career nito at masaya siya para sa Queen of Online World at Social Media.

Nabanggit namin na ang dami-daming product endorsements ni Kris na umabot na sa 42 at marami pang parating.

“Oo nga, pakisabi natutuwa ako for her,” say ng TV executive.

You cannot argue with success ‘ika nga dahil partida na walang TV show si Kris pero heto at mabenta siya sa social media.

At dahil diyan ay nag-post si Kris sa kanyang Facebook account na may mahigit na 1.2-M followers na nangangailangan siya ng karagdagang staff para sa lumalago niyang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

“Our #LoveLoveLove family is GROWING! Be part of Team KCAP, Junior Producer: Video Editor, at Transcriber/Subtitler. Send in your resumes (and/or portfolio, if available) to [email protected].”

Samantala, kaarawan ng paboritong photographer ni Kris kahapon na si Mark Nicdao, ang responsable sa lahat ng naglalabasang magagandang litrato nito sa social media.

“There are people who come into your life & you know they’ll stay forever. You know most of my journey- but you don’t know all the people who stayed when the roads got rough & my GPS seemed to be approaching battery empty. Today is the birthday of 1 person who has proven to me through almost 11 years his genuine love & loyalty and he has always managed to bring out the best in me. Happy birthday to the man I trust most to take care of me, frame by frame, shot per shot @markednicdao.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kylie Padilla, Aljur Abrenica

Pasabog ni Aljur laban kay Kylie nag-boomerang

FACT SHEETni Reggee Bonoan ILANG buwang nag-ipon ng lakas si Aljur Abrenica bago nito isapubliko kung ano …

Blind Item, Male Celebrity

Frustrated male new comer no pansin na sa gays kahit mababa ang presyo

FRUSTRATED actor, singer, at commercial model siya, na talagang pinangarap niya pero hindi naman niya naabot …

Jace Flores

JACE FLORES ITINANGGI NG GMA, ‘DI KONEKTADO SA NETWORK

HATAWANni Ed de Leon NAGPALABAS na ng isang official statement ang GMA Network, na si Reynaldo Flores, …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy …

Gretchen Barretto, Dominique Cojuangco, Michael Hearn

GRETCHEN MALUNGKOT NA EXCITED SA KASAL NG ANAK

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Gretchen Barretto na hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon …

Leave a Reply