Friday , January 28 2022

Waiting pa rin sa OT pay

MARAMING nagtatanong sa Bureau of Immigration (BI) kung kailan daw ba talaga ipa­tutupad ang pagbibigay ng overtime pay na manggagaling sa koleksiyon ng Express Lane Fund?

Hanggang ngayon kasi ay marami pang haka-haka kung talagang plantsado na ba ang lumabas na guidelines tungkol sa OT.

Halos lahat ay umaasa na sa lalong mada­ling panahon ay makatatanggap na ang mga empleyado ng nasabing biyaya.

Sandamakmak kasi sa kanila ay agad naglakas-loob na ipangutang ang tatanggapin para makapag-agdong sa gastos nitong nagdaang kapaskuhan.

Sa totoo lang, medyo nagkaroon pa nga ng panic mode ang ilang empleyado nang napabalitang muling hinarang ni DBM Secretary Ben ‘joke-no’ ‘este Diokno ang paglalagak ng Express Lane Fund (ELF) para sa aprobadong OT.

Isang “trust fund” mula sa ELF ang bubuuin upang ito ang pagkuhaan ng OT na ilalaan sa mga kawani ng ahensiya.

Ngunit dahil napabalita nga na muli itong pinalagan ni Joker ‘este Diokno kaya agad sumag­sag papuntang Davao si BI-Deputy Commissioner Aimee Torrefranca-Neri upang humingi muli ng audience sa Presidente.

Well, sana naman ay hindi totoo ang naiulat na “move” ni Diokno, kundi ay mapupunta sa wala ang pinaghirapan nina SOJ Vitaliano Aguirre pati na ng kampo ni BI-Commissioner Jaime Morente!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply