Monday , August 15 2022
Sipat Mat Vicencio

Siguruhin ang kaligtasan ng OFWs

Tama ang naging desisyon ni Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte na pauwiin ang overseas Filipino workers (OFWs) kasabay ng pagdedeklara ng total deployment ban sa mga Pinoy na manggagawa sa Kuwait.

Ang ganitong posisyon ni Digong ay pagpapakita na hindi na dapat maulit ang patuloy na pang-aabuso at pagmamalabis na ginagawa ng mga employer sa Kuwait sa ating OFWs.

Kung tutuusin, matagal na dapat itong ginawa ng gobyerno ng Filipinas pero ang nakapagtataka ay hinayaan ito ng mga lider ng nagdaang administrasyon, kahit pa kaliwa’t kanan ang ginagawang pang-aabuso sa OFWs.

Alam nating ang mga manggagawa sa abroad, partikular ang mga nakabase sa Middle East ang pinakamalaking contributor sa pag-a­ngat ng ekonomiya ng bansa pero ang nakalulungkot nito, ang mga OFW din ang pinamakatinding naabuso ng kanilang employers.

Nitong nakaraang taon nakapagtala ng pinakamataas na remittance ang OFWs na u­mabot sa $26.9 bilyon kompara sa $25.61 bilyon noong 2015. Ang bulto ng remittances ay galing sa mga manggagawa mula sa Middle East.

Kaya nga, sa kabila ng malaking ayuda ng OFWs sa ating ekonomiya, nasaan naman ang tulong ng pamahalaan para maprotektahan ang mga manggagawang Filipino na lantad sa mga pang-aabuso ng kanilang mga employer?

Bagamat sinusuportahan natin si Digong sa kanyang ginawang total deployment ban sa Kuwait, kailangang siguruhin ng kanyang administrasyon na meron itong maibibigay na trabaho sa mga OFW na nauna nang umuwi sa bansa.

Napipilitan magpakatulong ang marami na­ting mga kababayang Filipino sa Middle East dahil sa kawalan ng oportunidad sa Filipinas; wala silang makuhang trabaho na may disenteng pasahod at benepisyo.

Masasabi nating band aid solution ang pagpapauwi sa mga OFW mula sa Kuwait kung hindi naman sila magkakaroon ng matinong trabaho dito sa Filipinas.

Tiyak na marami pa ring mga manggagawang Filipino na magtatangkang pumuslit patungong Kuwait at sa ilan pang bansa sa Middle East kahit mapahamak pa sila dahil nga sa kawalan ng oportunidad sa Filipinas.

Ang pagbibigay ng matinong trabaho ang mabigat na tungkulin ngayon ni Digong.  At kai­langang bigyan prayoridad dito ang mga umuwing OFWs lalo na ang mga winalanghiya ng mga among Arabo.

Kailangan din siguruhin ng mga embahada ng Filipinas ang kaligtasan at kapakanan ng OFWs na kasalukuyang nagtatrabaho sa ilan pang mga bansa sa Middle East.  Mauuulit at mauulit lamang ang mga pagsasamantala sa mga manggagawang Pinoy kung hindi kikilos ang mga kinauukulan na dapat ay nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW.

About Mat Vicencio

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Live selling sa Facebook bawal na!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIMULA sa 1Oktubre ng taong kasalukuyan, aalisin na at …

Sipat Mat Vicencio

Si FPJ at ‘Ang Probinsyano’

SIPATni Mat Vicencio SA DARATING na Sabado, Agosto 20, ipagdiriwang ang ika-83 birth anniversary ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

‘Wag naman…

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? …

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Leave a Reply