Friday , July 26 2024

Miggs Cuaderno, nominadong Best Supporting Actor sa Star Awards

NOMINADO ang young Kapuso actor na si Miggs Cuaderno sa 34th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa Resorts World sa February 18. Pasok si Miggs sa Best Supporting Actor category para sa pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na tinampukan ni Alfred Vargas at mula sa pa-mamahala ni Direk Perry Escaño.

“Napakasaya ko po na napasama ako sa mga veteran at kilalang actors ng Filipinas sa age ko pong 13. Nominated pa lang po, parang nanalo na ako at malaking karangalan po talaga at fulfillment po iyon sa akin,” saad ni Miggs.

Ipinahayag niya na magka-halong saya at lungkot ang naramdaman dahil yumao na ang mentor/manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes. Kung buhay pa si Direk Maryo, ano sa tingin mo ang mafi-feel niya sa nomination mong ito?

Sagot niya, “Matutuwa po si direk Maryo J. kung nabubuhay pa siya, kasi gusto na po niya ako ipakita na bilang binatilyo na. Sayang nga po at mukhang hindi na matutuloy ang movie namin ni direk.”

Ano ang reaction mo na kalaban mo sina Nonie Buencamino, Enrique Gil, Xian Lim, Joseph Marco, Arnold Reyes, at iba pa? “Sobrang saya po ako kasi magagaling na actor ang kasama ko at mga stage actors din po. Mataas po ang pagtingin ko sa kanila at hina-hangaan ko po sila, kasi ang gagaling po nila… napanood ko po ang mga pelikula nila.”

Nabanggit din niya ang mga naunang awards na natamo. “Nanalo na po akong Best Supporting Actor sa Cinemalaya noong 9 year old ako sa Childrens Show. Nag-Best Actor din po ako sa Paris, France para naman sa Quick Change.

First time po sa PMPC Star Awards na ma-nominate bilang best Supporting Actor,” saad ni Miggs  na  napapanood  sa  Kambal Karibal at GMA-7 cartoon series na Yokai bilang boses ni Keita.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *