Kris, sandamakmak ang ineendoso (kahit walang TV show)
SA isang social media site ay inilabas ang Top 10 celebrities in showbiz ukol sa kanilang net worth na aabot ng milyones ang halaga.
Pinangunahan ni Maine Mendoza ang talaan samantalang nasa mababang puwesto ang mga tulad ni Nadine Lustre.
More than P700-M ang nakadeklara kay Maine, pero paglilinaw ng source ng information na โyon ay pinagsama-samang assets na โyon, kabilang ang mga naipundar nitong properties.
So, may sariling version din pala ng SALN ang celebrities na karamihan kundi man lahat sa kanilaโy wala namang aamin ng kanilang yaman?
Pero kung malapit-lapit โyon sa eksaktong figures most especially sa kaso ni Maine ay hindi โyon dapat pagtakhan. Sa bilang na lang ng kanyang mga commercial endorsement, kompara sa celebrities na sumusunod sa kanya sa ranking ay tapos na ang diskusyon.
Pero sanaโy naglabas na rin ng kompletong listahan ang pinagmulan ng impormasyon na โyon. Mga mas bagets kasi ang pinangalanan nito among our celebrities.
Kung kompleto nga naman, for sure ay nangunguna roon si Kris Aquino.
At partida pa โyon, ha? Walang TV show si Kris sa kasalukuyan kundi visible lang siya sa social media, pero sandamakmak ang mga commercial endorsements.
Kung tutuusin, ang magka-counterpart ay sina Maine at Kris. Pero tiyak na never nilang kailanman isasapubliko kung ano na ang kanilang net worth.
Ayaw ng BIR. Mas lalong ayaw ng kidnap for ransom!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III
