Saturday , February 4 2023

Ruru, sobrang nalungkot

MATINDING dagok sa showbiz ang pagkamatay ni Direk Maryo delos Reyes. Nakahihinayang na mawalan ang mundo ng pelikula at telebisyon ng isang magaling na director.

Mapapansing kulang tayo sa mga batikang director na puwedeng ipagmalaki ang proyektong nagagawa, ‘yung tipong may pakinabang at kasiyahan sa mga manonood, kesehodang hindi kabaklaan ang tema.

Matindi ang kalungkutan ni Ruru Madrid dahil pangalawa niyang tatay-tatayan si direk Maryo. Malaki ang contribution ni Direk Maryo kung bakit naging isang mahusay na artista si Ruru.

Wala itong kapaguran sa pagtuturo at kapapangaral.

Paano kaya siya makamo-moved-on sa pagkawala ni Direk?

Irony of life, kung kailan pa palabas ang teleseryeng pinagbibidahan ni Ruru at saka pa nangyari ang ganoon kay Direk Maryo. Hinihintay pa naman niya iyong mapanood.

***

Personal: Magkakaroon ang Baliwag Junior College class ‘58 ng reunion na may temang forever young sa Pebrero 4, Sunday sa Hap-Chan Square, DRT Highway, Baliuag, 11:00 a.m.

Magkakaroon muna ng misa at pasasalamat bago magsimula ang reunion. Magiging host at sponsors  ang mga balikbayang galing sa America na sina Arthur Elpidio, Tommy Laura at iba pa.  Pansamantalang kalihim ng reunion sina Alejandro Cruz ng Immaculate Conception School of Baliuag at Armando Ding Cruz ng Subic, Baliuag.

SHOWBIG!
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Paolo Contis Mother

Paolo Contis grabe ang iyak nang banggitin ang wish sa ina

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAIYAK naman ako habang pinanonood ang one on one interview ni Boy …

Iza Calzado

Iza Calzado tigil muna sa social media

MATABILni John Fontanilla ITITIGIL muna ni Iza Calzado ang pagpo-post sa kanyang social media para makapag-pokus sa …

Connie Angeles Ading Fernando

Connie Angeles maraming natutunan sa yumaong Ading Fernando

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW ang aktres /host/public servant na si Ms Connie Angeles nang gawaran ito ng Ading …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang sa pagmo-move-on: Mamatay sila sa inggit

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account, may nagtanong na netizen kay Pokwang kung paano maka-move on …

McCoy de Leon

McCoy de Leon binura lahat post sa Instagram

MA at PAni Rommel Placente MUKHA yatang magkakabalikan sina McCoy de Leon at Elisse Joson, huh. Binura na …

Leave a Reply