Tuesday , November 30 2021

Kris, tanggap na: Hindi marrying type si Mayor Herbert

PAGKATAPOS ng Q and A presscon ng Ever Bilena ay natanong si Kris Aquino tungkol sa ipinost niyang litrato nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na kuha sa Rome, Italy noong 2017. Ano ba ang ibig sabihin na muli niyang ipinost iyon?

Nangyari dahil lumabas sa memory ng cellphone niya ang litratong iyon at natuwa lang siya.

Aniya, ”only because I don’t know sa phones niyo lumilitaw memories that day, and it came out. And I distinctly recalled talaga na sobra-sobrang pagdarasal ang ginawa ko.

“At that point, there was nothing. There was really, parang, so many plans had been hatched that didn’t push through.

“So parang ipinagdasal ko lang talaga na, noong time na ‘yun na, ‘God, ma-accept ko lang na if this is it, then let me be okay with it.’

“I think, kasi, there are people na dapat i-friend mo na lang. Dapat i-friendzone niyo ang each other. Because if you don’t do that, you’ll just end up hurting each other.”

At nabanggit na nga ni Kris na hindi puwedeng maging sila ni Herbert dahil may penalty clause sa mga kontrata niya.

“I think beyond that, one is, to be perfectly honest talaga—several contracts have provisions that, if you end up with an elected official, may penalty.

“Because of the money trail, it will appear that they are paying somebody in elective office.

”Rati kasi noong kay Noy (term 2010-2016), okay ‘yun, kasi hindi conjugal. Magkapatid kami but we shared nothing.

“Pero ito, if we end up together, even if I announced na, let’s say—mangarap na tayo—na-engaged. Isauli ang pera ko na ibinayad sa akin, isauli ng production cost, and may penalty clause pa roon sa mga mawawala sa kanila. It’s very expensive, yes. Hahaha!” paliwanag mabuti ni Kris.

At isa pang matinding dahilan ay hindi ang tipo ni Bistek ang marrying type.

Ang naisip ni Kris, ”alam mo, I don’t think he’ll ever be ready. When you reached 50 and you’ve never gotten married, I honestly don’t think you’ll ever gonna get married.

”Hello? How old is my brother? Perfect example! He is turning 58. Noy will be 58. Hello? Never okinasal. So alam na alam mo na.

“In my mind lang naman, ‘May kapatid kang ganyan, ‘wag ka nang mag-ilusyon. Dahil ganyan ang ugali. ‘Di na talaga ‘yan magpapakasal.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply