Saturday , February 4 2023

Bela, iimbitahin sina Angel at Neil sa premiere night ng movie nila ni Carlo na Meet Me in St. Gallen

SI Bela Padilla ay larawan ng isang babaeng alam ang kanyang priority sa buhay at alam kung saan siya dapat mag-focus. Sa presscon ng latest movie niya na Meet Me in St. Gallen, aminado ang aktres na masaya ngayon kahit walang love life.

“Masaya ako, masaya, kasi ang dami kong na-experience last year. Ang dami kong nagawang pelikula, nakatapos ako ng soap, tapos may ginawa kaming movie ni Direk Joyce, na pinayagan ni-yang script ko iyong gamitin.

“Parang ang dami kong blessings, para maging malungkot. Parang sobra naman kung lulungkutin ko pa iyong buhay ko,” anang aktres.

Paano ka nakapag-move-on, ano ang ginawa mo? “Wala e, parang… nag-break naman kasi kami last year, okay na ako e, ‘yun naman ang lagi kong sinasabi.”

Parang unusual sa mga mag-ex na maging okay na nag-break? Pakli niya, “Sana lahat nang nag-break ay ganoon. Pero siyempre, lahat tayo ay may kanya-kanyang proseso. Nagpapasalamat na lang ako na maganda iyong napagdaanan namin,” saad niya patungkol sa kanila ng ex niyang si Neil Arce.

Dahil balitang sina Neil at Angel Locsin na ngayon, ano ang reaction niya na parang pinagsasabong sila ni Angel sa social media?

“Parang wala naman pong nagpapasabong, wala naman po akong nababasa,” saad niya.

Dagdag ni Bela, “Hindi ko na po sinisilip kapag hindi ko account, kasi parang ang dami ko na pong ginagawa para usisain ko pa ang mga accounts nila. Pero wala, wala akong nararamdaman na galit or any negative thing. In fact, balak ko pa silang dalawang yayain sa premiere night namin. Kasi gusto ko rin na mapanood nila, e. Kasi kaibigan naman namin silang lahat e, lahat kami… one group.”

Mapapanood sina Bela at Carlo Aquino sa Meet Me in St. Gallen ni Direk Irene Villamor na ipalalabas sa February 7. Ito ay isang romantic-drama movie mula sa Viva Films at Spring Films nina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal.

Ano naman ang masasabi ni Carlo kay Bela bilang leading lady sa pelikulang ito. Tugon ng actor, “Well, masarap katrabaho si Bela, kasi katulad nga ng sinasabi ko na mapagbigay siya sa mga eksena. Tinutulungan niya ako, kahit na iyong shots na hindi nga siya kasama, talagang nandoon siya para sa akin, umaalalay. Kasi alam din niya na medyo nape-pressure rin ako dahil sa movie, kaya tinutulu-ngan niya talaga ako.”

Aminado nga si Carlo na may nararamdamang pressure sa movie dahil bukod sa ang gumawa nito ay ang team ng Kita Kita na kumita nang husto, naninibago pa siya sa pagiging leading man sa isang mainstream movie.

“Ine-enjoy ko lang ‘yung bawat nangyayari, iyong pro-seso ng paggawa namin (ng pelikula) ine-enjoy ko lang iyon lahat. Kahit may pressure akong dinadala, tinulungan naman ako nina Direk, nina Bb. Joyce Bernal. Talagang nag-reading kami ng ilang beses, tapos iyong costumes fitting, nakakatulong e, para maging at ease ako, so iyon,” wika ni Carlo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Paolo Contis Mother

Paolo Contis grabe ang iyak nang banggitin ang wish sa ina

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAIYAK naman ako habang pinanonood ang one on one interview ni Boy …

Iza Calzado

Iza Calzado tigil muna sa social media

MATABILni John Fontanilla ITITIGIL muna ni Iza Calzado ang pagpo-post sa kanyang social media para makapag-pokus sa …

Connie Angeles Ading Fernando

Connie Angeles maraming natutunan sa yumaong Ading Fernando

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW ang aktres /host/public servant na si Ms Connie Angeles nang gawaran ito ng Ading …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang sa pagmo-move-on: Mamatay sila sa inggit

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account, may nagtanong na netizen kay Pokwang kung paano maka-move on …

McCoy de Leon

McCoy de Leon binura lahat post sa Instagram

MA at PAni Rommel Placente MUKHA yatang magkakabalikan sina McCoy de Leon at Elisse Joson, huh. Binura na …

Leave a Reply