Thursday , October 28 2021

Suka ni Ryza Cenon,kinain na parang kanin

HINDI namin mawari kung ano ang magiging reaksiyon nang kainin ni Ryza Cenon ang suka niya dahil grabeng nalasing nang mag-inuman sila ni JC Santos.

Animo’y kanin na dinakot iyon ni Ryza para muling isubo. Nakaka-iww at nakahahanga na walang keber na ginawa iyon ng aktres.

Isa ito sa tagpong mapapanood sa kasalukuyang handog ng Viva Films at The IdeaFirst Company, ang Mr & Mrs Cruz na ukol sa dalawang indibidwal na nagkita at nagkasama sa isang bakasyon sa Palawan. Parehong bigo sa pag-ibig, ang isa ay nang-iwan at ang isa’y iniwan.

Ang Mr & Mrs Cruz ay idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo na tulad ng Kita Kita na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy, dalawa rin ang tauhan. Porte na talaga ni Direk Sigrid na dalawa lang ang tauhan sa kanyang pelikula.

Ang isa pa sa naloka kami at dapat ay hindi kayo pumikit kapag pinanood ito ay nang ipasuot ni JC ang kanyang brief kay Ryza. Nag- ala-MacGyver si JC, pero opp’s ayaw  niyang itawag iyon sa kanya kundi nalaman niya iyon sa pamamagitan ni Google. Iyon ang nang gawin niyang bra ang kanyang brief dahil ‘di sinasadyang nasira ang suot-suot na pang-itaas ni Ryza.

Lumabas namang cute at maganda ang brief-bra na aliw na aliw kami. Naitanong nga ng aming katabi kung isusuot namin ang brief ng isang hindi mo naman masyadong kilala kapag nangyari ang ganoon? Well, tingnan na lang natin, ha ha ha.

Aliw din ang eksenang parehong lango na sina Ryza at JC. Ang galing-galing ni Ryza na animo’y lasinggera talaga. Rito’y nag-open up silang dalawa sa kung ano ang nangyari sa kanila kaya lumipad sila sa Palawan ng walang kasama.

Nagtagumpay din si Direk Sigrid sa pagpapakita kung gaano kaganda ang Palawan. At tiyak marami ang magsasabing ‘punta tayo ng Palawan’ kapag napanood ang pelikula dahil talaga namang ipinakita ng director ang napakagagandang tanawin-lugar doon.

 

 

 

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Baguhang aktor boy toy ni Matinee Idol

ANG lakas ng tsismis na ang isa raw baguhang male star, na talaga namang pogi at sexy …

Mel Sarmiento, Kris Aquino, Herbert Bautista

Bistek happy kay Kris

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLENG, ”I’m happy for her!” ang tweet ni senatoriable Herbert Bautista at post sa …

Paolo Contis, LJ Reyes, Aki Avelino, Summer Contis

LJ mas tahimik sa NY kaya wala pang balak bumalik ng ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon IYONG isa pang humiwalay din naman at mabuti’t hindi pa siya nakapag-pakasal, …

Kylie Padilla, Alas Joaquin Abrenica, Axl Romeo Abrenica

KYLIE PINURI NG PARI
(Tungkulin bilang asawa at ina nagampanan)

HATAWANni Ed de Leon PATI iyong isang pari na nagmisa noong Lunes ng umaga sa aming …

Aljur Abrenica, Kylie Padilla

Kylie hinamon si Aljur: Let’s do it in court

KITANG-KITA KOni Danny Vibas “LET’S do it in court na lang kung gusto mo ng …

Leave a Reply