Saturday , July 27 2024

Pangarap ng isa, pinagtulungang maabot ng buong pamilya

ISANG pampamilyang istorya ang tututukan bukas, Sabado (Enero 13) na ibabahagi ng MMK(Maalaala Mo Kaya). Tampok sa Bunso’ng Haligi episode ni direk Nuel Naval na isinulat ni Akeem Jordan del Rosario sina Amy Austria as Puring, Enzo Pinedaas 3rd gen Freddie, Zaijian Jaranilla as 2nd gen Freddie, Marco Masa as 1st gen Freddie, JC Santos as Ka Elo, Brace Arquiza as 1st gen Ronnie, Jimboy Martin as 2nd gen Ronnie, Mitch Naco as 1st gen Belen, Kamille Filoteo as 2nd gen Belen, at gaganap naman sina Cris Villonco at Maritess Joaquin bilang mga madre.

Ang panganay na kapatid ni Freddie ang gagampanan ni JC bilang si Ka Elo. Na siyang nagsimulang sumuporta sa pangarap ng kapatid na maabot ang pangarap. Pero maagang mawawala ito sa piling ng kanyang pamilya na ikawiwindang ng mundo ni Freddie.

Pero sa kabila ng mga hamong hinarap, lumiwanag ang kinabukasan ni Freddie na nagsikap sa buhay at ginawang inspirasyon ang kanyang Ka Elo.

At sa kasalukuyan, binalikan ni Freddie ang kanyang sinilangan at kinalakhan, ang Famy, Laguna. Ipinagmamalaki siya ng mga kababayan sa pagbabalik ng pagsisilbi sa mga ito sa naabot ng kanyang pagpupursige sa buhay bilang kanilang Vice-Mayor sa nasabing lalawigan.

Na ang tanging pangarap na siya naman niyang ginagawa ay ang mabigyan ng bagay na muntik ipagkait sa kanya, ang edukasyon ng mga bata ng Famy!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *