MATAPOS natin ikolum ang manyakol na opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), heto, isa pang opisyal ang dapat na isalang sa lifestyle check dahil sa kagulat-gulat na pagyaman.
Alam kaya ni LTFRB chief Martin Delgra III na mayroon siyang isang opisyal sa Region IV-A na nagpapatayo ngayon ng isang 3-storey mansion sa Tacloban?
Ang lupit ng bata ninyo, Atty. Delgra!
Baka naman daig pa kayo niyan sa paggawa ng pera?!
Mantakin ninyong nagpapatayo ng 3-storey mansion?!
Hindi naman daw nagtataka ang mga taga-LTFRB sa kapasidad ni Region IV-A official. Mayroon daw talagang pagkukuhaan ng ipangtatayo ng mansion.

Lahat daw kasi ng papeles na dumaraan sa kanyang tanggapan ay ‘mababalaho’ kapag hindi nilagyan ng padulas.
E ilang papeles ba ang dumaraan sa kanyang opisina araw-araw?!
Aba, e ‘di malinaw na pitsang-pitsa ‘yan?!
Atty. Delgra, wala ka bang balak paimbestigahan kung sino ‘yang opisyal mong manyakol at opisyal na yakang-yakang magpatayo ng 3-storey mansion sa Tacloban?!
Maliwanag ang sabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ayaw niya ng corrupt!
Imbestigahan na ‘yang mga LTFRB official na ‘yan!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
BULABUGIN
ni Jerry Yap
