Thursday , March 28 2024
Butt Puwet Hand hipo

May manyak na opisyal sa LTFRB?!

AKALA natin lipas na ang ganitong klase ng kamanyakan sa mga tanggapan at ahensiya ng pamahalaan.

Hindi pa pala…

May remnant pa pala ang ‘old style’ na kamanyakan diyan sa Land Transportation Fran­chising and regulatory Board (LTFRB).

Apat na empleyadong babae na pawang nasa kabataan pa ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi na malimutan ang ‘trauma’ na narasanan nila sa isang opisyal.

Ayon sa isang biktima, ipinatawag daw siya sa opisina ni LTFRB official.

Pagdating niya roon, sinabihan siya, “Umikot ka nga.” Umikot naman ang bata. Tapos ang sabi umano, “Mas maganda siguro kung naka-bikini ka.”

Sagot ng batang empleyada: “Hindi po ako nagbi-bikini.”

Sabin ng manyakol na opisyal, hindi raw puwede kasi isasama siya sa Boracay para sa isang conference na gagawin doon.

Ayaw man ay wala na umanong nagawa ang empleyada kundi ang sumama sa Boracay sa nasabing opisyal.

Heto na, nagkasabay sila sa lobby ng hotel. Nang makita siya ng opisyal, agad siyang inakbayan, sabay kabig tapos ‘yung kamay humagod sa likod ng batang empleyada papunta malapit sa kanyang buttocks.

Sonabagan!

Siyempre nagitla ‘yung batang empleyada sa bilis ng pangyayari kaya ang nagawa lang niya ay magtatakbo palabas at umiyak nang umiyak.

Nangangatog pa siya sa takot nang magsumbong sa isang admin officer at sa iba pang girls pero wala silang magawa.

Sobrang helpless ng mga biktima.

Opisyal ‘e!

‘Yung isang kaso naman, 20 anyos na job order (JO) employee. Maaga siyang pumapasok. Hindi niya alam, maaga rin pumasok ang man­yakol na opisyal na parang ‘yung buhong na ka­rakter ng nasirang artistang Martin Marfil sa pelikula.

Pinapunta siya sa pantry, akala no’ng emple­yada magpapagawa ng kape. Pinalapit pa siya sa opisyal, tapos sabi daw, “Hindi pantay ang T-shirt mo,” sabay lilis saka hinawakan ang tagiliran niya.

At sabi, “Mas maputi pala rito sa loob.”

Takot na takot na tumakbo sa labas ang batang empleyada. Nginig sa takot na umiyak sa comfort room.

‘Yung dalawa pang biktima, hindi nila maikuwento kung ano ang ginawa sa kanila. Parang hiyang-hiya o kaya ay hindi nila masikmura na ikuwento pa sa iba ang kababuyan ng manyak na opisyal.

Basta ang ginagawa nila ngayon kapag nakikita ang opisyal na kung tawagin nila ay ‘Butiking Manyak’ umiiwas na agad sila.

Aba, LTFRB chief, Martin Delgra III, Sir, mukhang maraming nabibiktima ang ‘Butiking Manyak’ sa mga batang-batang empleyada ninyo.

Kilala mo ba ‘yang ‘Butiking Manyak’ na ‘yan, LTFRB Chairman?!

Aba’y ‘yan ang dapat kalusin agad ng ating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte!

Corrupt na manyakol pa!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *