Thursday , July 7 2022

100 parasitiko nasa pilikmata ng babae

NAGIMBAL ang isang babae sa China makaraang madiskubre sa kanyang pilik-mata ang 100 parasitiko na naninirahan dito.

Kinilala ang babae sa kanyang apelyidong Xu, na dumalaw sa isang ospital sa lungsod ng Wuhan sa central Chinese province ng Hubei para ireklamo ang matinding pangangati ng kanyang mga mata.

Aktuwal na ipinaliwanag sa mga doktor na namumula at iritado ang kanyang mga mata sa nakalipas na dalawang taon ngunit tinangkang pagalingin sa pamamagitan ng mga over-the-counter eye drops.

Matapos magkaalaman sa hygiene habits ng babae, inamin niyang hindi siya nakapagpalit at nakapaglilinis ng kanyang higaan sa nakaraang limang taon, at ang totoo’y ang ginagamit niyang unan ay simula pa noong taong 2012.

Ayon naman sa mga doktor, ang kombinasyon ng hindi paglalaba ng pillow case at kakulangan ng pagdaloy ng hangin sa loob ng silid ni Xu ang nagbigay-daan para manirahan at dumami ang mga parasitiko sa nakababahalang antas.

Blepharitis o pamamaga ng mga pilik-mata ang naging diagnosis sa babae at conjunctivitis (pamamaga ng ibabaw ng mata)  ngunit sinasabing nakare-recover na rin makaraang sumailalim ng treatment sa ospital.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Rachel Villanueva

Rachel ng Viva Hotbabes matagumpay na negosyante 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANG-MMK o Magpakailanman ang istorya ng buhay ng dating Viva Hotbabes na si Rachel Villanueva na ngayon …

Piolo Pascual Sunlife

Piolo nahanap na ang partner in life, ‘di iiwan ang showbiz

HINDI pa iiwan o magreretiro si Piolo Pascual sa showbiz. At matagal pa rin bago siya makahanap …

Krystall Herbal Eye Drops

Paningin luminaw sa Krystall Eye Drops, eyebags lumiit sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Maria Felicitas Dueñas, 45 years old, naninirahan …

Rhea Tan Beautederm

Local ambassadors sa Pampanga proud maging bahagi ng Beautederm family

ni Glen P. Sibonga KASABAY ni JC Santos at ng misis niyang si Shyleena Herrera na inilunsad bilang ambassadors …

JC Santos Beautéderm BeautéHaus Rhea Tan Shyleena Herrera

Kahit lalaki dapat nag-aayos ng sarili — JC Santos

MATABILni John Fontanilla PORMAL nang ipinakilala  ng Beautederm ang mahusay na dramatic actor na si JC Santos bilang opisyal …

Leave a Reply