Thursday , June 4 2026

BBL dapat nang ipasa

MARIIN ang panawagan ng mga mamamayang Muslim sa administrasyong Duterte na kung maaari ay maipasa na ang Bangsamoro Basic Law na magiging malaking kapakinaba­ngan hindi lang ng mga Muslim sa Mindanao kundi sa buong rehiyon ng Mindanao.

Sa isinagawang Bangsamoro Summit sa Sultan Kudarat kamakailan, na dinaluhan ng libo-libong mga Muslim, government officials at ilan pang mga stake holders, nangako si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na maipapasa ang BBL sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Dahil dito ay nagpatawag na si Duterte ng special session para matalakay ang isinusulong na BBL na matagal nang nakasalang sa Kongreso ngunit hindi tuluyang maipasa-pasa.

Dapat ay panindigan ng pangulo ang pangako na maisabatas ang BBL para sa kapakinabangan ng kanyang mga kabababayan. Kahiya-hiya naman kung makalilipas ang kanyang administrasyon na walang nangyari rito.

Paano na lang ang kanyang mga pangako noon na hindi na dapat maisantabi ang mga kababayan niyang taga-Mindanao sa sandaling siya ang mapuwesto.

Dapat piliting mabuti ng pangulo ang Kongreso na bigyang pansin ito para sa kapakinabangan, katahimikan at katiwasa­yan ng buong Mindanao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …