Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald at Kim parehong ‘tulak ng bibig, kabig ng dibdib’ ang drama “Sa Ikaw Lang Ang Iibigin”

KONTING panahon na lang ay matutuklasan na ni Roman (Michael de Mesa) kung sino talaga ang tunay niyang anak lalo’t nararamdaman niya ang lukso ng dugo sa pagitan nila ni Gabriel (Gerald Anderson).

Paano na si Carlos (Jake Cuenca) kapag nadiskubre ni Roman na hindi siya ang kanyang anak. Sina Gabriel at Bianca (Kim Chiu) ay pareho ng drama ngayon na kinikimkim ang ‘feelings’ pa rin sa isa’t isa. Halata naman na pareho pang may gusto ang dating magkasintahan umiiral lang ‘yung selos na nararamdam nila sa inaakala nilang umagaw na sa kanilang pag-ibig sa katauhan ni Alex (Arci Munoz) at Percy (JC Santos).

Ito namang si Rigor tuluyan na kaya siyang mapagbago ni Gabriel o magpapatuloy pa rin sa kanyang kasamaan alang-alang sa totoong anak nila ni Victoria (Ayen Munji-Laurel) na si Carlos na maprotektahan lang niya ay wala siyang pakialam kung may nasasagasaan o natatapakan na siyang tao lalo ang kanyang anak na simula’t sapol ay hindi nakatikim ng pagmamahal ng isang Ama sa kanya.

Mas patindi nang patindi ang mga tagpong inyong mapapanood sa mga susunod na episode ng “Ikaw Lang Ang Iibigin” kaya huwag bibitaw sa pagsubaybay sa top-rating daytime series sa ABS-CBN Prime Tanghali after Kapamilya Blockbusters.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …