Thursday , February 2 2023

Vhong, sobrang naintindihan ang kahalagahan ng mga babae dahil sa Woke Up Like This

SA nakaraang presscon ng pelikulang Woke Up Like This ay inamin ni Vhong Navarro na mahirap pala ang maging babae at lubos niyang naiintindihan kung bakit mas importante ang Mother’s Day para sa lahat.

Base sa ipinakitang trailer ng Woke Up Like This ay nagkapalit sila ni Lovi Poe ng kasarian bagay na hindi matanggap nila pareho. At dito lubos na naintindihan ng aktor ang hirap ng babae.

“Kaya pala napaka-importante ng Mother’s Day kasi ang hirap palang maging babae, ang hirap palang maging isang ina. Kasi ang lalaki, paggising namin puwede na kaming umalis, ang babae hindi, kasi ang dami pa pala nilang dapat gawin hindi lang para sa sarili nila kundi para na rin sa loob ng bahay bago nila unahin ang sarili nila.

“Kaya nagtataka ako, eh, ‘pag Father’s Day, nabati lang tayo ng ’happy father’s day’ bakit ‘pag dumarating ang mother’s day, napaka-espesyal? Parang doon ko naintindihan talaga na ginawa ng Diyos na mas importante ang babae kaysa lalaki kaya nga sila ang Ilaw ng Tahanan. Para sa akin, kaya pala the best ang mga babae at dapat iginagalang at inirerespeto,” kuwento ni Vhong.

Tungkol naman sa leading lady ni Vhong na si Lovi ay nabanggit niyang sa Woke Up Like This niya na-appreciate mabuti ang dalaga dahil sa unang pagtatambal nila ay hindi sila nagkaka-usap.

“’Yung una kasi naming pelikula, halos hindi kami nag-uusap, ‘Shake Rattle and Roll’, Regal din ‘yun kasi maiksi lang ‘yun kay direk Chito ‘yun.

“Dito (Woke Up Like This) ko lang siya na-appreciate na ang saya-saya pala niyang kasama, I mean parang tawa lang siya ng tawa sa bawat eksena. Ang sarap kasi kapag ‘yung ka-eksena mo tawa lang ng tawa kasi lalo kang ginaganahan.

“Ang natutuhan ko pa sa kanya (Lovi) ay ‘yung pagiging professional pa, kumbaga akala ko professional na ako, mas nakita ko pa ‘yung pagiging professional ni Lovi, talagang may mga bagay sa isang aktor na kailangan mo lang gawin kasi ipinapagawa sa ‘yo, kumbaga siya, nagre-request siya kasi kailangan kong gawin para sa karakter ko na ginusto niyang gawin iyon at hindi inutos sa kanya.

“Ang sarap lang maski na matagal na ako sa industriya na marami akong natutuhan at kailangan hindi ka hihinto o ‘wag kang magyayabang o kaya mo lahat. Dapat lagi kang may matutuhan,” paliwanag pa ni Vhong.

Sinong local celebrity ang gusto ni Vhong kapag naging babae siya o nagising na babae na pala siya.

“Anne Curtis, kasi parang siya ‘yung sobrang sikat, sobrang may kaya sa buhay at the same time, mabait, tapos ang sexy. So gusto kong maging sexy at ano ang pakiramdam na crush ka ng bayan tapos marami kang natutulungan? Tapos ang dami mong raket, parang SM she got it all (natawa),” masayang sagot ng aktor.

May malaking aral na mapupulot sa pelikula na dapat mapanood ng lahat.

Mapapanood na ang pelikula sa Agosto 23 mula sa Regal Entertainment na idinirehe naman ni Joel Ferrer.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

HATAWANni Ed de Leon BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay …

Leave a Reply